Nagpasiklab si ONIC Esports superstar Gilang “SANZ” gamit ang Vale sa 2-0 sweep kontra RRQ Hoshi sa “Royal Derby” ng MPL Indonesia Season 9.
Bumibida bilang jungler at mid-support, tanging si SANZ lang ang gumamit kay Vale nang dalawang beses at nanalo sa loob ng dalawang linggong aksyon sa umaandar na season ng MPL ID.
Kung isa kang mid laner na naghahanap ng mabisang Vale item build guide, maaaring mong gayahin ang ginawa ng MVP ng ONE Esports MPL Invitational 2021.
Vale item build guide mula kay SANZ

- Arcane Boots
- Clock of Destiny
- Lightning Truncheon
- Genius Wand
- Winter Truncheon
- Divine Glaive
Bumuo si SANZ ng mga items na makakapagbigay sa kanya ng matinding magic damage burst para punitin ang mga miyembro ng RRQ Hoshi. Bawat mahuli ng kanyang combo ay napapaslang o kaya naman natatapyasan ng malaking HP.
Pinili niya ang Mystery Shop talent ng Mage Emblem para agad na mabuo ang kanyang items dahil nakakapagbigay ito ng 10% price discount.
Para naman sa Battle Spell, kinuha niya ang Flicker para sa mga pagkakataong kailangan niyang tumakas kapag siya ang target ng kalaban.
Bukod sa mabisang item build at battle spell choice, matinik din ang ginawang gameplay ni SANZ. Epektibo ang naging rotations niya sa mapa at ginamit ang mga bush sa kanyang bentahe. Madalas niyang nababasa ang galaw ng mga kalaban at sinusurpresa sila ng kanyang nakamamatay na combo.
Dahil dito, tinanghal na MVP ng Game 1 ang si SANZ gamit ang Vale na pumukol ng 6-3-9 kill-death-assist stats (79% kill participation) at nagpakawala ng nakakalulang 154K damage sa laro na tumagal ng 28 minuto.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MLBB guides, news at features.
Base ito sa artikulo ng ONE Esports Indonesia.