Isa ang Yin sa pinakatanyag na Mobile Legends: Bang Bang heroes ngayon. Bukod-tangi ang kaniyang attributes kung ikukumpara sa ibang heroes sa laro at marami ang natutuwa sa flexibility ng hero na maaaring laruin sa iba’t-ibang roles.
Ginawa ang fighter para patumbahin ang sinuman sa one-on-one situations at marami na din ang humahawak sa hero bilang roamer at jungler. Gayunpaman, hindi tipikal na makita ang Yin sa competitive play.
Maraming rason kung bakit mahirap isabak si Yin sa competitive scene dahil ayon sa analisis ni KB sa kaniyang YouTube account, madaling pagtulungan ang hero paglabas nito ng kaniyang ultimate.
Binigyan ng Buff si Yin

Sa huling MLBB patch, isa si Yin sa mga heroes na nabigyan ng buff. Gayunpaman, hindi kasing-laki ang pagbabago sa kaniya dahil dinagdagan lamang ang damage ng kaniyang normal skill 1 at skill 1 niya kapag nagbagong-anyo papunta kay Lieh.
May adisyunal ding knockback effect sa skill 2 ngunit nangyayari lamang ito kapag naka-activate ang kaniyang ultimate o di kaya ay nasa anyo ni Lieh. Kaya naman malaki pa rin ang katanungan kung sapat na ba ito para isalang ang Yin sa competitive play.
Unang nakita si Yin sa competitive play noong UniPin Ladies Series Season 2

Hindi pa man naisasalang si Yin sa MPL ay namataan na ang fighter sa UniPin Ladies Series Season 2. Walang iba kundi ang dalawa sa pinakamalakas na junglers sa women’s scene ang humawak ng hero na sina Ash mula RRQ Mika at Caramel mula EVOS LYNX.
Nagawa ng dalawang junglers na ilabas ang tunay na bangis ng Yin sa competitive play. Malaking damage, durability at dambuhalang killing potential ang ipinakita ng parehong junglers sa maniobra sa nasabing fighter.
Bukod dito, naipamalas din nila ang abilidad ni Yin na humanap ng kills sa late game dahil sa unique ultimate skill nito. Mas kapansin-pansin ito kapag ang kalaban ay sumandal sa assassin jungler dahil madalas ay hindi uubra ang assassins sa one-on-one situations kasama ang fighter.
Hinawakan ito ni Ash ng dalawang beses katapat ang Bigetron Era at GPX Basreng. Sa mga nasabing laro, maliinis na 9/1/0 at 11/3/2 KDAs ang itinala ng batikang jungler.
Hindi rin ito malayo sa performance na ipinakita ni Caramel. Nagpasiklab ang beterano gamit ang Yin kontra MBR Delphyne kung saan pumukol siya ng 7/2/2 KDA para sa MVP gantimpala.

Ang pagpapamalas ba na ito ng dalawang women junglers gamit ang Yin sa competitive play ang magbabago ng pananaw ng hero sa MPL? Abangan ito.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Mobile Legends Yin guide: Alamin ang best build, skills, emblem at combos ng bagong fighter