Kung may Mobile Legends hero na masasabing humulma ng naging resulta ng katatapos lamang na MPL Invitational 2021, ito ay ang Yi Sun Shin na sentro sa atake ng kalaunan ay kampyon na ONIC Esports.

Kinapanayam ng ONE Esports Philippines si Neil “Midnight” De Guzman, isa sa mga pinakatanyag na analyst sa eksena upang himayin ang ginawang draft ng Indonesian team, kasama na din kung paano nagawang banggain ng YSS ni Sanz ang malaalamat na UBE Strategy ng Blacklist International.
YSS ni Sanz: Parehong comfort pick at deny pick ang hero draft ng ONIC ID

Ayon kay Midnight, kakaibang lebel ng drafting ang ipinamalas ng ONIC Esports ng kuhanin nila ang Yi Sun Shin kontra Blacklist.
Aniya, sa pagkuha ng YSS, hindi lang nila nahadlangan ang mga posibleng flex picks para sa Pinoy team, nakuha din nila ang isa sa mga komportableng hero para sa kanilang jungler.
Pagsusuma ng analyst, “They basically played their game in their own court and forced Blacklist to a corner.”
“Honestly, the draft from ONIC was world class. They snatched YSS once and did it again the next game while also taking the Bane. It completely shut off Wise’s jungle hero pool on the 2nd phase while only being allowed to play Balmond, which was a bad pick for that game,” dagdag pa niya.
Binuksan ng YSS ni Sanz ang counter-engage ng kaniyang team

Kung matalino ang naging draft ng ONIC, henyo naman daw ang maniobra ni Sanz sa marksman. Idinugtong ito ng Season 8 analyst ng NXPE sa dekalibreng abilidad ng ONIC jungler sa larangan ng micro mechanics.
“He’s one of the best micro mechanics player and YSS allows you to maximize that skill whilst being a late game heavy damage dealing carry, add to that the ability to maneuver around fights with Traceless,” sabi niya.

Idinitalye din ni Midnight ang nagawa ng YSS ni Sanz sa dalawang magkasunod na laro kung saan naisalang ang hero pick.
“Sanz for me is the sole YSS player that abuses all of the strong points of the hero and that showed in Game 2 & 3 when he outplayed Blacklist on multiple skirmishes.”
Mababalikang naglista ang YSS ni Sanz ng magkasunod na 10/0/3 at 5/0/5 na nagbigay ng momentum para sa kaniyang koponan.
Paglilinaw pa ng bantog na personalidad, “It’s simple as trying to bait the enemy, but Sanz did that against Blacklist, escaping in many situations and allowing his teammates to counter engage.”
Huwag palampasin ang pinakahuling balita, analisis, hero guides at marami pang iba. Hanapin lahat ito sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.