Bakit ibinaba ng EVOS Legends ang jungler na si Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin sa kanilang MLBB Development League (MDL) Indonesia squad na EVOS Icon? Tanging ang EVOS Esports management o kaya si Legends head coach Bjorn “Zeys” Ong lang ang makakasagot nito.

Nasa spotlight na naman ang White Tigers bago pumasok ang ikalawang linggo ng MPL Indonesia Season 10 matapos ang ginawa nila na nakaka-intrigang MPL-MDL transfers. Nilagay nila sina Ferxiic at roamer Raihan “Bajan” Ardy sa EVOS Icon samantalang na-promote naman papunta sa MPL sina jungler Arthur “Sutsujin” Sunarkho at roamer Rachmad “DreamS” Wahyudi.

Credit: EVOS Esports Instagram account

Marami sa fans ang nagsabi na hindi naman ganun kasama ang laro ni Ferxiic sa unang linggo. Kinuwestiyon din nila kung bakit hindi si gold laner Jabran “Branz” Wiloko ang na-promote sa pwesto ni Hafizhan “Clover” Hidayatullah.

Bagamat marami ang nagtangkang sagutin ito at magbigay ng kanilang opinyon, siguro naman ang pinaka-akmang komento ay galing kay Zeys mismo.


Nagsalita si Zeys kung bakit napunta si Ferxiic sa MDL

Credit: Coach Zeys

Sa isang live stream, ipinaliwanag nang maigi ng Singaporean coach ang dahilan kung bakit nilagay si Ferxiic sa MDL. Sinabi niya na nais niya na lalo pang gumaling ang isa sa pinakamahusay niyang jungler.

“Why did Ferxiic come down? I can only say, we’re really heavy when he’s down. This is not because he doesn’t speak English. They have to go down to the MDL to be better at MPL,” ani niya.


https://youtu.be/uQgELLpQGzc

May mga nagsasabi na kaya baka nahihirapan si Ferxiic ay dahil ‘di siya makapag-communicate nang maayos kay Pinoy EXP laner Gerald “Dlar” Trinchera. Ngunit itinanggi ito ni Zeys at sa halip ay tila ipinunto ang pag-mature ng naturang jungler.

Nangangahulugan kasi na mararanasan ni Ferxiic ang global ban system sa MDL na pwedeng makatulong sa pagpapalawak ng kanyang hero pool. Sa kaalaman ng nakararami, madalas na assassin heroes ang ginagamit niya.

Dagdag pa rito, maaari niyang matutunan kung paano pangunahan ang isang koponan dahil maraming debutants at batang manlalaro ang EVOS Icon. Kaaabang-abang rin ang pagsasama nila ni Branz sa MDL.

Para sa MLBB at MPL updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.