Inamin ni EVOS Legends coach Bjorn “Zeys” Ong na masaya siya na may maglalarong Pinoy players sa paparating na MPL Indonesia Season 10. Gayunpaman, may nasambit siya na kailangang gawin ng mga koponan upang mapanatili ang kanilang chemistry kung sakali mang kukuha sila ng import.

Sa ngayon, ang ONIC Esports pa lang ang may siguradong Pinoy pro sa kanilang roster matapos nilang kuhanin si dating ONIC PH star jungler Kairi “Kairi” Rayosdelsol. Pero napapabalitang susunod sa kanilang yapak ang ilang koponan.

Usap-usapang magre-recruit din ng Filipino players ang Geek Fam ID, Bigetron Alpha at maging ang EVOS Legends na napapabalitang kukuhanin ang dating EXP laner ng ONIC PH na si Gerald “Dlar” Trinchera.


Ibinahagi ni Zeys ang kanyang opinyon sa pagkakaroon ng Pinoy players sa MPL ID S10

Coach Zeys ng EVOS Legends
Credit: Instagram/@z3zeys

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports sa kasagsagan ng Free Fire Summer Raid tournament kamakailan, sinabi ni Zeys ang kanyang opinyon patungkol sa presensya ng Filipino players sa MPL ID Season 10.

“It’s great to see a lot of new players coming to this scene (MLBB Indonesia),” saad niya.

Ngunit idinagdag ng M1 world champion coach: “However, I think to have players with the strongest chemistry, they must retain the majority of Indonesian players because there is no language barrier.”

May punto si Zeys dahil ang haharaping language barrier ng mga Pinoy ay siguradong hindi madaling lampasan, lalo na kung ang mga manlalaro sa sasalihan nilang koponan ay hindi masyadong sanay mag-Ingles.

Samantala, wala naman sa kamay ng Singaporean mentor kundi nasa management ang desisyon sa kung sinu-sino ang bubuo sa lineup ng EVOS Legends para sa MPL ID Season 10. Nilinaw ni EVOS Esports VP Aldean “DeanKT” Tegar ang bagay na ito sa pamamagitan ng isang livestream.

Credit: Instagram ni DeanKT

“What is clear is that (in the MPL ID) Season 10, the management decides who plays. The management’s contribution is quite big, right yesterday I always said the decision was in the coach, but now it’s management guys,” sabi ni DeanKT.

“The trial remains tight, lah. In season 10, it was the management who voted, not Zeys anymore. Judging from what is really super exciting and worth playing.”

Para sa Mobile Legends news, guides at highlights, i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.