Si Sven “BlindWarriorSven” Van de Wege ay hindi isang tipikal na fighting game player.

Kahit hindi siya nakakakita, siya ay nagdomina sa kanyang laban sa Street Fighter 6 sa pinakamalaking entablado ng fighting game ng taon, ang Evo 2023.

Nabulag siya sa murang edad na anim dahil sa isang cancerous na tumor na pumatay sa kanyang mga optic nerves, natuklasan ni BlindWarriorSven ang paraan upang maglaro ng mga video game nang ipakilala sa kanya ng isang kaibigan ang Street Fighter 2 — hindi niya nakikita ang screen, pero naririnig niya ang mga pangyayari.

Street Fighter 6 E. Honda Critical Art
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Sa tulong ng tunog, natutunan niyang malaman kung ang character ay nasa kaliwa o nasa kanan, naglalakad paabante o paatras. Sa pagkakatuklas ng kanyang pagmamahal sa gaming, si Sven ay nag-ensayo at naging mas magaling pa.



BlindWarriorSven nagdomina sa main stage ng Evo 2023

BlindWarriorSven at Evo 2023 stage
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Sa unang araw ng Evo 2023, hindi lamang basta tumapak si Sven sa main stage ng Evo kundi nagtamo rin ng kahanga-hanagang tagumpay na 2-1.

Suot ang kanyang itim na piring, ipinakita ng Honda specialist sa lahat nang manonood sa Evo na siya ay naparoon upang manalo.

Sa dulo ng ikatlong game ng kanyang best-of-three set laban kay EternalPancake, lamang si Sven ng isang round. Pinuntirya ng bulag na mandirigma ang kalabang Luke player sa pamamagitan ng headbutt pressure.

Kumuha siya ng pagkakataon sa mababang Drive meter ng kanyang kalaban at nagtamo ng malaking hit confirm, na itinuloy niya sa level three Critical Art ni E. Honda. Sa puntong parehong mababa ang buhay ng dalawang players, nagpakawala si Sven ng isang malutong na headbutt upang makuha ang round, ang set, at ang mga puso at palakpakan ng mga manonood sa Evo.



Bukod sa kasanayan at matalas na pandinig ni Sven, ang accessibility sound feature ng Street Fighter 6 na nagbibigay daan para makipaglaban ang mga manlalaro nang walang paningin, ay nakatulong rin sa kanyang nararapat na tagumpay.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Nike Air Force 1 ‘Street Fighter’, isang pagkilala sa EVO Moment 37