Sa nagdaang San Diego Comic Con 2022, naghatid ng bagong impormasyon sa mga fans ang Capcom patungkol sa inaabangang Street Fighter 6 (SF6), at kabilang dito ang pagbabalik ng mga classic costumes ng mga fighters.

At dahil isa sa mga mahahalagang bentahe ng franchise ang mga costumes ng kanilang mga fighters, marami sa mga fans ang umaasa sa pagbabalik ng mga classic costumes na na pinasikat ng mga fighting game icons tulad ni Ryu.

Magbabalik ang mga classic costumes nina Ryu, Guile, at Chun-Li sa SF6

Ryu SF6 Classic Costume
Credit: Capcom

Mararamdaman talaga ang nostalgia at tila isang pagbabalik tanaw sa unang paglabas ng Street Fighter ang mga costumes nina Ryu, Guile, at Chun-Li.

Chun-Li SF6 Classic Costume
Credit: Capcom

Ang mga mas bagong characters naman na sina Luke at Jamie naman ay nakatanggap ng bagong costumes na kumuha ng inspirasyon sa Street Fighter III: 3rd Strike na may malaking impluwensya mula sa kultura ng hip-hop.

Walang inanunsyong bagong characters ang mga devs sa San Diego Comic Con, ngunit nagbigay sila ng dagdag na impormasyon tungkol sa game. Ayon sa kanila, ang bawat mode sa Street Fighter 6 ay itinatrato bilang hiwalay na game. Ito ay para mabigyan ng pansin ang nais ng magkakaibang target audience.

Mapapanood ang Capcom panel sa San Diego Comic Con 2022 video na ito sa YouTube channel ni Kongs-R-Us.



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.