Ang pro player na si Hoa “Anakin” Luu, na kilalang Jack user, ay inihayag kung aling character ang sa tingin niyang pinakamalakas sa kasalukuyang roster.

Sa pagtatapos ng Tekken 8 Closed Network Test (CNT), sinabi ng kampeon ng North America sa isang tweet na si Claudio Serafino ang tila nangingibabaw sa pinakabagong bersyon ng Tekken, at ang Italian exorcist ay nagbibigay sa kanya ng “main character strength vibes.”

Binanggit din ng Tekken pro ang labis na lakas ng damage ni Claudio at ginawang “early candidate for best character” sa roster ng Closed Network Test.



Anakin gumawa ng 167 damage combo gamit si Claudio sa Tekken 8 CNT

Si Claudio ang best character sa Tekken 8 CNT ayon kay Anakin
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Kasama sa tweet ng Red Bull pro Tekken player ang isang video kung saan ginawa niya ang isang kahindik-hindik na 167-damage combo gamit si Claudio sa Sanctum.

Sa video, una niyang in-activate ang Heat (2+3~b,b), saka sinimulan ang combo gamit ang isang counter hit na Invidia (f,f+4). Ito ay nagbigay sa kanya ng sapat na frames para maitawid ang isang Aurora Pactum (4,2) na nagdulot ng wall splat. Pagkatapos, pinakawalan niya ang isang Ira (f,f,f+2) para sirain ang pader, at sinundan ito ng isa pang Ira papunta sa Heat Dash para sa mas mahabang wall carry. Dinala niya ang katawan ng kanyang kalaban patungo sa pader gamit ang isang Invidia, isang Crescent Knee (b+3), at isang Pollux (u/f+3+4). Ibinalik ni Claudio sa wall ang kanyang kalaban gamit ang dalawang Spinning Skies (b+2) at sinara ang combo gamit ang isang Avaritia (b+4,3,2).

Combo notation

2+3~b,b (Heat Burst cancel), 4,2, f,f,f+2 (wall break), f,f,f+2~f (Heat Dash), f,f+4, b+3, u/f+3+4, b+2 (flip), b+2, b+4,3,2



Maganda ang kinalabasan ng Tekken 8 CNT at nakatanggap ito ng maraming positibong feedback mula sa mga players. Ngunit syempre, ilang bahagi ng laro ay hindi pa final at maaaring isailalim sa adjustment.

Isang bagay ang sigurado, ang mga players ay labis na nae-excite na makita ang kanyang final form kapag ito ay opisyal nang ilabas sa loob ng ilang buwan.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Handa na ba ang gaming setup mo? Tekken 8 PC system requirements inanunsyo na