Pinakawalan na ng local organization na GrindSky Esports ang kanilang Tekken pro player na si Raphael “Vermilion” Cueva.

Sa isang anunsyo sa Facebook, ibinalita ng GrindSky Esports na hindi na magiging bahagi ng organisasyon ang Visayan Super Saiyan pati na rin ang coach nito na si Djamille “NatureLover” San Juan.

Vermilion NatureLover leaves GrindSky Esports
Credit: GrindSky Esports

Matatandaan na nagsimula si Vermilion na maging pro player para sa GrindSky noong October 2021, kung saan kinatawan niya ang organisasyon sa REV Major Lockdown. Noong November ng parehong taon naman ay lumipad ang “Devil Jin ng Pinas” papuntang Israel kasama si NatureLover upang maging kinatawan ng bansa sa Esports World Championship 2021 (EWC 2021) ng International Esports Federation (IESF).

Vermilion naghahanap ng bagong team

Sa kanyang tweet kamakailan ay inihayag ng Bacolod pride na naghahanap siya ng bagong team na masasalihan.



Sa kasalukuyan ay kasali ang Visayan Super Saiyan sa Intercontinental Fight Club Asia (ICFC Asia) Spring 2022 kung saan nasa ikaapat na pwesto siya sa leaderboard.

ICFC Asia Spring 2022 Leaderboard
Credit: ten/o

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.