Ang pinakabagong fighting game title ng Bandai Namco ay naglabas ng isang bagong mechanic – na tiyak na magpapanatili sa pagiging agresibo ng mga fighters – na layuning mapabuti ang experience ng mga players at audience.

Ang Tekken 8 Heat System ay unique at innovative, pero tila kumplikado ito para sa ilang mga players, kahit na ang ilang mga pro.

Sa gabay na ito, matututunan mo ang lahat nang kailangang malaman tungkol sa Tekken 8 Heat System, upang magawa mong gamitin ang buo nitong potensyal nito at maging handa para sa susunod na laban.

Ano ang Tekken 8 Heat System?

Tekken 8 Heat System guide
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Ang Tekken 8 Heat System ay isang mechanic na, kapag aktibo, nagbibigay-daan sa player  na kontrolin ang takbo ng laban. Nagbibigay ito ng kalamangan sa player na umaatake, at batay ito sa konsepto ng laro na “Aggressive”.

Ang gumagamit nito ay pumapasok sa isang estado ng pagpapalakas, na nagpapahintulot sa kanila na gumamit ng special moves at magdagdag ng damage sa loob ng maikling panahon. Ang Heat Timer ay kinakatawan ng isang gauge sa ilalim ng life bar ng iyong character.

Tekken 8 Heat System Timer
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Ang Heat ay maaaring i-activate isang beses kada round sa loob ng 10 segundo. Tumitigil ang Heat Timer kapag ang kalaban ay tinamaan o nasa down state. Kung magagamit mo ito nang mahusay, maaari mong panatilihin ang estado na aktibo nang matagal.



Paano i-activate ang Tekken 8 Heat System

Tekken 8 Heat System Heat Burst command
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

May dalawang paraan para i-activate ang Heat. Una ay gamit ang Heat Burst, at pangalawa ay sa pamamagitan ng paggamit ng Heat Engagers.

Heat Burst

Ito ang generic na paraan ng pag-activate ng Heat System sa Tekken 8 dahil ito ay pareho para sa lahat ng mga characters. Maaaring i-activate  ito sa pamamagitan ng sabay na pagpindot sa Right Punch at Left Kick (2+3).



  • Ang Heat ay aktibado sa pamamagitan ng isang slam attack.
  • Nagbibigay ito ng frame advantage kapag tumama o nablock.
  • Maaari itong gamitin upang i-activate  ang Heat habang nasa gitna ng combo.

Heat Engager

Ang command ay iba-iba depende sa character. Karaniwan itong galaw na, kapag tumama ay, nagpapatalsik sa kalaban palayo. Isang magandang halimbawa nito ay ang Elbow Impact ni King (f+2,1).



  • Ang Heat ay maaaring i-activate  lamang kung ang galaw ay tumama sa nakatayong kalaban.
  • Matapos ang pagtama, tatakbo ang character patungo sa kalaban at makakakuha ng frame advantage.

Ano ang maaaring gawin pag nasa Heat State?

Tekken 8 King
Credit: Bandai Namco

Heat Smash

Ang galaw na ito ay gumagamit ng lahat ng natitirang Heat energy upang magdulot ng malaking damage. Natatapos ang Heat State kapag ginamit ang Heat Smash sa pamamagitan ng pagpindot sa Right Punch at Left Kick (2+3).



Heat Dash

Ang galaw na ito ay naa-activate sa pamamagitan ng paggamit ng Heat Engager, habang nasa Heat State na, at pagpindot sa Forward (f). Tatakbo ang iyong character patungo sa kalaban, pinapahintulutan kang mas pahabain ang iyong opensa.



Enhanced moves

Ang mga atake sa panahon ng Heat State ay nagdudulot ng recoverable damage kahit na masalag ito. Ang ilang mga galaw ay binibigyan din ng enhanced properties para sa karagdagang kalamangan sa opensa, tulad ng Illusive Demon ni Kazuya (f,n,d,d/f+4,4).



Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Pinangalanan ni Anakin ang best character sa Tekken 8 CNT, at hindi ito si Jack-8