Ang bagong Valorant agent ay isang sentinel na tulad nina Sage, Killjoy, at Cypher.

Marami nang naglabasan na teasers tungkol sa bagong Valorant agent, pati ang Riot Games character producer na si John Goscicki ay nagbigay na rin ng ilang hints nagdaang ‘State of the Agents’ blog na nagbigay sa atin ng mga bagong pananaw.

Sino ang bagong Valorant agent na si Deadeye?

Ang bagong Valorant agent ay magmumula sa France, ito ay dahil inilarawan ni Goscicki ang talent nito bilang ‘Magnifique’. Nabanggit din na ang bagong character ay isang “Sentinel that focuseson mechanical outplays, with an additional focus on gunplay into the mix for an extra flourish,” sabi ni Goscicki.

Valorant Agent17 Deadeye
Credit: Riot Games

Makikita sa imahe sa blog post ang isang itim na card na may M-type logo katabi ng isang tasang kape. Naniniwala ang community na ang bagong agent ay isang assassin-for-hire na may agent abilities na nangangailangan ng matinding precision.

Ang pangalan ng bagong agent ay Deadeye, at una syang ipinakita sa Year One Anthem ng Valorant noong nakaraang June. Base sa imahe, isa syang agent na maayos manumit at may weapon na mas malaki pa kaysa sa Operator.

Release date ng Valorant agent 17

Valorant State of the Agents Blog Post

Ang original schedule ng release ni Deadeye ay kasabay ng Episode 3 Act 2, ngunit napagdesisyunan ng Riot na unahin ang Fracture. Nag-aabang ang maraming fans sa karagdagang impormasyon tungkol sa agent 17 sa paglabas ng Episode 3 Act 3, na magiging huling major patch ng taon.

Ayon sa pinakahuling Battle Pass, meron pang natitirang mahigit 30 araw para sa Episode 3 Act 2. Nangangahulugan na maaasahan ng mga fans ang paglabas ni Deadeye sa unang linggo ng November.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.