Hindi na maitatago ang pagkasabik ng mga Pinoy sa pinakabagong agent sa Valorant na si Neon. Bukod sa may bagong agent na malalaro ang mga Pinoy gamers, si Neon din ang pinakahuling representation ng bansa sa isang laro, lalo pa’t isa ito sa pinaka-prestihiysong titles ng Riot Games.

Bilang pagdiriwang sa Filipino character, inilatag ng Riot Games ang billboard ni Neon sa kalakhang Maynila na patuloy na nakakatanggap ng atensyon mula sa fans ng laro.

Ikinabit ng Riot Games ang billboard ni Neon sa Maynila

Credit: Joses Boado, Justin Hulong, at Team Secret

Ang pinakaunang viral post tungkol sa billboard ay ibinahagi ni Joses Boado, na kalaunan ay ni-repost ng Riot Games Southeast Asia General Manager na si Justin Hulong.


Saan sa Maynila nakalagay ang billboard ni Neon?

Matatagpuan ang dambulahang billboard ni Neon sa Quezon Boulevard sa Maynila, pagkatapos na pagkatapos lumusot sa Recto underpass.

Si Neon ang pinaka-unang Southeast Asain agent na sasama sa diverse cast of characters na mayroon sa Valorant. Ang swabe niyang cinematic trailer gayundin ang kaniyang in-game voice lines ay nagpapakitang tunay niyang ipinagmamalaki ang kaniyang Filipino heritage.

Kaugnay nito, ibinahagi din ng Riot games ang isang reaction video tampok ang mga Filipino celebrities tulad nina Myrtle Sarrosa at Christian Bautista na pinapanood ang cinematic trailer ni Neon, na sa huling bilang ay mayroon ng lampas 6 million views.

Maaaring ma-unlock ng players si neon sa pamamagitan ng pag-activate ng kaniyang contract at pagtapos sa chapter 1. Para gawin ito, kinakailangang makaipon ng 60,000 experience points ang players.

Pinakamadaling makakuha ng experience points ang pagtapos ng mga daily at weekly challenges sa Valorant.

Kaalinsabay ng paglabas ng Episode 4 Act I ang bagong Battle Pass, ang Protocol 781-A weapon skin bundle, at patch 4.0 map changes para sa Breeze at Bind.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita at Valorant guides.

BASAHIN: Neon vs Jett: Sino ang mas angat? Papalitan na kaya ni Neon si Jett sa Valorant meta?