Pumanaw na ang Columbian Valorant pro na si Santiago “Daveeys” Ruiz, isang linggo lang matapos siyang maglaro sa Valorant Champions 2023.

Pumanaw si Daveeys noong September 3, isang araw lang matapos ang kaniyang ika-23 kaarawan, ayon sa post ng KRÜ Esports.

Naging isang krusyal na miyembro siya ng Valorant roster ng KRÜ, at lumahok siya sa Valorant Champions Tour’s Americas League.

Ang kaniyang huling tournament appearance ay noong Valorant Champions 2023 na nagtapos noong August 26.

Matapos ang paglabas ng balita sa kaniyang pagpanaw, nagtipon ang Valorant community para makiramay sa pamilya ni Daveeys.



Ang pagpanaw ni Daveeys ng KRÜ Esports sa edad na 23

Valorant Daveeys KRU Esports
Credit: Stefan Wisnoski/Riot Games

“It is with deep sadness that we have to inform you that, after suffering a decompensation on Sunday, Daveeys died,” sulat ng KRÜ. “There is no way to smooth this over; it took us all by surprise. He was a spectacular player and a first-class teammate. With his trademark hard-working humility, he was proud to inspire and represent his country and region at the pinnacle of global Valorant.”

Hinimok ng KRÜ ang komunidad na magbigay ng supporta sa mga kaibigan at pamilya ni Ruiz.

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang Riot Games at nakiramay sa pamilya, mga kaibigan, at KRÜ teammates ni Daveeys.

“Our players are the dreams they share with the world, the communities they represent, and the inspiration that accompanies what we do every single day,” sabi ng Riot Games. “His legacy will always be remembered.”

Sinimulan ng Columbian esports pro ang kaniyang career noong 2016 sa CS:GO. Lumahok siya sa mga tournaments at mabilis na umangat sa LATAM esports scene. Hindi nagtagal bago siya lumahok sa S-tier events ng rehiyon.

Noong 2019, sumali si Daveeys sa Infinity Esports at lumahok sa ESL Pro League Season 9 at 10. Nag-retire siya sa CS:GO noong 2020 at nag-transition sa Valorant, kung saan naging isa siya sa mga top players ng LATAM region. Naging parte rin siya ng roster na LazerKlan na nanalo sa First Strike Latin America North tournament.

Valorant Daveeys KRU Esports
Credit: Stefan Wisnoski/Riot Games

Ang kaniyang pinaka-memorableng tournament run ay noong 2023 kasama ang KRÜ sa VCT Americas Last Chance Qualifier.

Kahit na natapos ang KRÜ sa VCT Americas League regular season na may 0-9 record, nanalo naman ang team sa lahat ng kanilang limang Americas LCQ matches, para makakuha ng pwesto sa Valorant Champions 2023. Nagtapos ang KRÜ sa Champions 2023 sa 13th place.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Sunset gameplay: Tignan ang bagong mapa ng Valorant