Ang DRX ay isang Valorant team na may pinakamaraming karanasan sa international tournaments at ang may pinaka-consistent na mga finish.

Nakatapos sila sa 5th-6th sa Masters Reykjavik 2022, 5th-6th sa Masters Copenhagen 2022, at 3rd sa Valorant Champions 2022 – nakatapos silang first sa VCT Pacific regular season at pangalawa sa playoffs matapos ma-reverse sweep ng Paper Rex.

DRX stax used Harbor for Icebox at VCT Lock In
Credit: Riot Games

May iilang mga Valorant teams sa mundo na hindi na iniba ang kanilang roster at sa halip ay hinasa ang mga talentong mayroon sila, para mapabuti ang kanilang synergy. Sa kasulukuyan, ang major roster change na ginawa ng DRX ay ang pagdagdag kay Jung “Foxy9” Jae-sung ngayong season, na ngayo’y nasa duelist role na habang si Byung-chun “BuZz” Yu naman ay bumalik sa pagiging sentinel.

Hindi naman naapektuhan ang mga resulta ng iisang pagbabago na ito. Habang patuloy na nagbabago ang kanilang overall playstyle at mga stratehiya, mahusay pa rin ang kanilang performance tulad ng dati.  

Paano nga ba napanatili ng DRX ang kanilang performance? Ano ang kakaiba sa kanilang five-man roster? Nakausap ng ONE Esports ang kanilang pinaka-flexible na role player na si Goo “Rb” Sang-min na nagbahagi ng kaniyang mga pahayag.



Matinding paghahanda ang ginagawa ng DRX sa labas ng laro para makapag-desisyon sila in-game 

Valorant DRX Rb
Credit: ONE Esports, Riot Games

Kilala sa kanilang malinis na set plays, kinailangan mag-evolve ng DRX sa laro at sa kompetisyon. Hindi sila natakot maglaro kontra sa meta, matapos mag-debut ng triple-initiator na lineup noong nakaraang taon, at ngayon ay mas hindi sila dume-depende sa mga game plans, lalo na sa mga bagong mapa. Kailang ng malakas na tiwala at teamwork para maisagawa ang mga ito.

“Before games when we plan strategies, all players have different ideas,” paliwanag ni Rb. “We express our ideas and explain the reasoning behind them. We have a voting system to see how many agree or disagree.”

“If more agree, we’ll go with that strategy. If more disagree, we’ll figure out something else.”

Kung may hindi pagkakasunduan ang mangyari sa in-game, ang DRX ay inaalam ito sa pamamagitan ng pag-ussap, sabi ni Rb. “It has to be quick, so we don’t have time to vote or anything like that.”

Valorant DRX fans VCT Pacific 2023
Credit: Riot Games

Inilarawan ni Rb ang kaniyang sarili bilang “the kind of guy where if someone asks me to do something, I’ll do it”, kaya isa siyang flexible na teammate.

Minsan makikita mo siyang tumatakbo sa Fracture gamit ang duelist na si Neon, minsan naman ay gagamitin niya si Sova sa Haven, o ‘di kaya siya ang magiging smoker ng team bilang si Astra o Harbor.

Paliwanag niya ang isa sa mga pagsubok ng paglalaro ng iba’t-ibang roles ay kailangan paiba-iba rin ang kaniyang pag-communicate sa team. Sa smoker role, sinisigurado niyang maganda ang communication niya sa kaniyang teammates habang kumukuha ng impormasyon.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Dot o hindi? Ipinaliwanag ni Shroud kung bakit hindi ka dapat gumamit ng dot crosshair sa Valorant