Matapos lumipat mula Europe papuntang North America, ibinahagi ng pinakabagong miyembro ng 100 Thieves na si Adam “ec1s” Eccles ang kanyang palagay sa mga pagkakaibang napansin nya sa pro Valorant practice games ng dalawang rehiyon.

Sa kanyang palagay, hindi parehas ang antas ng disiplina ng mga North American teams pagdating sa scrims kumpara sa mga teams sa Europe.

Ayon kay 100 Thieves ec1s, nagto-troll ang mga North American teams sa pro Valorant practice games

Valorant 100 Thieves ec1s BabyJ roster
Credit: FaZe Clan and Team Liquid

Ang 21-anyos na British pro player ay may mahabang competitive career. Nagsimula syang mag-compete sa Valorant noong nasa beta phase pa ang game noong simula ng 2020 kasama ang fish123 roster.

Ilang buwan ang nakalipas, ang roster na iyon ay kinupkop gn Team Liquid, at mula noon ay naging mainstay na ng European Valorant si ec1s. Kahit pa na-bench sya ng Team Liquid noong simula ng 2021, nagpatuloy sya upang maging stand in sa Ninjas in Pyjamas at iba pang unsigned teams.

Matapos ang paglipat sa North America at pagpirma sa 100 Thieves, napansin ni ec1s na iba ang mga scrims sa kanyang bagong rehiyon.

“In NA, we’ve had pro teams doing well, and then they just start full trolling because they’re losing,” sabi ni ec1s.

Naniniwala si ec1s na mas disiplinado ang mga pro Valorant practice games sa Europe dahil ibinubuhos ng parehong team ang lahat nang kanilang makakaya pagdating sa mga scrims. Aminado syang may iilang mga European teams na nagto-troll sa practice, ngunit hindi ito kasing karaniwan ng kagaya sa North America.

Valorant 100 Thieves ec1s NA versus EU
Credit: ec1s

Nakakaranas din ng pagkakaiba ang bagong in-game leader ng 100 Thieves pagdating sa ranked games ng dalawang rehiyon.

Una nyang sinabioo na “nicer to play” ang NA ranked games kumpara sa EU, ito ay dahil nakakalaro nya ang mga pro players sa bawat game. Subalit binawi nya rin ang sinabi nyang ito nang sumunod na araw matapos syang makaengkwentro ng mga “judge-only players”.

Unang sumabak ang bagong roster ng 100 Thieves noong January 27 sa VCT NA Challengers 1 open qualifiers.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.