Nakumpleto na rin ng Evil Geniuses ang kanilang Valorant roster, saktong sakto sa pagsisimula ng unang VCT 2022 NA Stage 1 Challengers open qualifier.

Inanunsyo ng north American esports organization ang pagpirma sa kanila nina Diondre “YaBoiDre” Bond, Alexander “jawgemo” Mor, and Jeffrey “Reformed” Lu, na papalit kina Brandon “BRANTED” Ballard, Daniel “roca” Gustaferri, and Nolan “Temperature” Pepper.

Unang sumabak ang Evil Geniuses sa Valorant na may mixed-gender roster noong simula ng 2021, nag-eksperimento rin ang squad sa pagpapalit ng kanilang roster habang sinusubukang makapasok sa top-tier ranks ng North American Valorant.

Ang kumpletong Valorant roster ng Evil Geniuses kasama sina YaBoiDre, jawgemo, at Reformed

Valorant Evil Geniuses New Roster Announcement
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Unang nakilala si YaBoiDre sa Luminosity Gaming kung saan napabilib nya ang marami sa kanyang nakakamanghang performance sa mga VCT NA Challenger events. Kinikilala sya bilang isa sa pianakmahusay na player sa Luminosity squad, bago sya nagpaalam na mailagay sa inactive roster para makapag-explore ng mga bagong offers.

Bagama’t malawak ang kanyang experience sa paggamit ng Raze at Jett sa Luminosity, mukhang sasabak sya sa initiator role bilang Sova sa Evil Geniuses.

Hindi ganoon kakilala sina jawgemo at Reformed. Si jawgemo ay nagmula sa T1 Academy kung saan madalas syang gumagamit ng Jett, habang si Reformed naman ay naglalaro para sa Evil Geniuses sa isang trial basis mula pa noong October bilang main sentinel player.

Evil Geniuses’ Valorant roster for VCT 2022

Nagsimula nang maglaro ang bagong Valorant roster ng Evil Geniuses sa VCT NA Stage 1 Challengers open qualifiers kung saan tinalo nila ang Valkyrie at isang unsigned roster na tinatawag na Asian Ravioli.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.