Matapos ang maaksyong weekend, nakilala na ang apat na North American teams na nangibabaw sa VCT NA Stage 2 Challengers open qualifiers at aabante sa main event—NRG Esports, FaZe Clan, TSM, at Luminosity Gaming (LG).
Sinamahan ng mga koponan ang The Guard, OpTic Gaming, Cloud9, at XSET, mga koponang nakatanggap ng direct invites matapos makapasok sa top four ng nkaraang VCT NA Stage 1 Challengers playoffs.
Sasamahan ang walong qualified na teams ng top four squads mula sa ikalawang VCT NA Stage 2 Challengers open qualifiers.
NRG Esports at FaZe Clan, undefeated sa upper bracket
Ang reworked roster ng NRG na pinagbidahan ni Ethan “Ethan” Arnold ang nagpamalas ng pinakamagandang run sa unang VCT NA Stage 2 Challengers open qualifier. Tinalo ng koponan ang Lenny Time, Zero MarksMen Black, Knights, at Version1 para magtala ng 8-0 record.
‘Di rin naman nagpahuli ang bagong roster ng FaZe na nangibabaw sa kabilang bracket, matapos talunin ang Run it Down, VIRTUOSO, Sentinels, at TSM para makapasok sa VCT NA Stage 2 Challengers group stage.
Hindi kinaya ng Sentinels ang dynamic duo ng FaZe na binubuo nina Andrej “Babybay” Francisty at Quan “Dicey” Tran. Nagtala ng 416 ACS at 30/14/4 sa Ascent ang Jett ni Babybay, habang kinumpleto naman ni Dicey ang upset para sa FaZe matapos kumana ng 339 ACS at 28/18/5 KDA sa Haven bilang Chamber.
TSM at Luminosity Gaming, bumawi sa lower bracket
Nakabalik na rin sa wakas sa VCT ang TSM salamat sa bagong roster ng organisasyon na bumida sa unang qualifier. TInalo nila ang Cosmic Divide, 100 Thieves, at LG sa upper bracket.
Matapos mabigo sa overtime game sa Haven kontra FaZe, nakabawi ang TSM matapos talunin ang 100 Thieves sa iskor na 2-1 sa lower bracket semifinals.
Umariba ang clutch genes ng 16-taong-gulang na prodigy na si Johann “Seven” Hernandez sa 15-13 overtime win ng TSM sa Icebox. Nagtala siya ng 240 ACS at 24/19/7 na KDA bilang Chamber.
Isa ang LG sa mga iilang koponan sa unang qualifier na hindi nagpalit ng roster nang magsimula ang taon. Tinalo nila ang Girl Kissers at GenG Esports, pero kinailangan nilang gumapang sa lower bracket matapos mabigo kontra TSM sa iskor na 1-2.
Napatunayan ng LG na isa sila sa pinakamalakas na koponan sa NA matapos i-eliminate ang Sentinels at Version1 para makapasok sa group stage ng VCT NA Stage 2 Challangers.
Nag-step up sa Breeze si Brandon Michael “Bdog” Sanders para maselyo ng kanyang koponan ang tiket papuntang main event. Pinangibabawan ni Bdog ang stand-in player ng V1 na si Matthew “Wardell” Yu bilang Jett para magtala ng 294 ACS at 26/13/3 KDA.
Ang ikalawang VCT NA Stage 2 Challengers open qualifiers
Pasok sa first hanggang eighth seed ng second open qualifier ang mga koponang nagtapos sa 5th hanggang 12th place. Gaganapin ang ikalawang open qualifier simula ikalima hanggang ikawalo ng Mayo.
Top 12 teams ng unang VCT NA Stage 2 Challengers open qualifiers
PLACING | KOPONAN | SEEDING |
1st | NRG Esports | Pasok sa Stage 2 main event |
2nd | FaZe Clan | Pasok sa Stage 2 main event |
3rd | TSM | Pasok sa Stage 2 main event |
4th | Luminosity Gaming | Pasok sa Stage 2 main event |
5th | 100 Thieves | 1st seed sa ikalawang open qualifier |
6th | Version1 | 2nd seed sa ikalawang open qualifier |
7th | Knights | 3rd seed sa ikalawang open qualifier |
8th | Sentinels | 4th seed sa ikalawang open qualifier |
9th | DarkZero Esports | 5th seed sa ikalawang open qualifier |
10th | Evil Geniuses | 6th seed sa ikalawang open qualifier |
11th | NYFU | 7th seed sa ikalawang open qualifier |
12th | Built by Gamers Academy | 8th seed sa ikalawang open qualifier |
Gaya ng unang open qualifier, lahat ng laban ay lalaruin sa single-elimination format hanggang sa Round of 32, kung saan double-elimination bracket na.
Hindi lalaruin ang upper bracket at lower bracket finals, at matatapos na ang turneo ‘pag nakilala na ang top four teams.
Ibo-broadcast ang lahat ng laban sa opisyal na Twitch at channel ng Valorant maging sa Twitch channel ng Nerd Street Gamers.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Parangalan ang player sa likod ng ‘Revive me Jett’ meme gamit ang special Finest title