Ang Paper Rex ang isa sa mga pinakanakakaaliw na teams na panoorin sa VCT Stage 1 Masters Reykjavik 2022. Mula sa mga costumed walkouts ni Paper Rex Benkai hanggang sa sa mabilis at agresibo nilang playstyle, napakagandang panoorin ng ipinapakita ng Paper Rex sa Iceland.

Dahil sa kanilang panalo laban sa The Guard at G2 Esports, nasigurado ng Southeast Asian squad ang kanilang pwesto sa top four sa Reykjavik, isang magandang improvement kumpara sa kanilang huling international appearance sa Masters Berlin 2021.

Sa isang post-match interview, inilahad ni Benedict “Benkai” Tan kung ano ang nakataya sa kanilang match laban sa American top seed na The Guard at kung anong nag-udyok sa kanilang husayan upang manalo. Hindi ito ang iniisip mo.

Paper Rex Benkai ipinaliwanag kung anong nakataya sa kanilang match laban sa The Guard

Paper Rex Benkai Day 9 Masters Reykjavik
Credit: Riot Games

Matapos ang natamong talo sa kamay ng DRX sa kanilang opening playoffs match, sinabi ni Benkai na importante para sa kanila ang matalo, ito ay maging mapagkumbaba ang team at maipakita sa kanila ang mga bagay na dapat nilang ayusin.

Bilang sagot, tinanong ni Josh “Sideshow” Wilkinson ang Paper Rex in-game leader kung anon ang inaasahan niyang ma-improve sa kanilang pagsabak sa kanilang game laban sa The Guard. Ang sagot ng 25-anyos ay ang perfect representationsa kung paano maglaro ang Paper Rex – maluwag, magulo, at halos hindi nagseseryoso.

“We’re looking to fix our dirty laundry,” seryoso niyang sagot. “Because in the hotel, we’ve had pretty much dirty clothes up till now.”

“The launderer left on Friday because it was Easter and we knew we had to win this match if we wanted to get clean clothes,” paliwanag niya habang rinig ang tawanan sa kanyang paligid. “That’s what we were playing for.”

Nang tanungin kung alin sa EMEA o Brazil ang pipiliin niyang ilaglag mula sa tournament, nagdesisyon siyang ituon ang atensyon sa mga Europeans. “I haven’t received any death threats from EU before, so maybe EU,” patawa nitong sagot.

Natupad naman ang hiling ng Paper Rex IGL. Tinalo ng VCT APAC champions ang G2 Esports 2-0 sa kanilang sumunod na match, malinaw na nabigyan sila ng lakas dahil sa kanilang malilinis na damit.

Haharapin ni Benkai at ng kanyang team ang Zeta Division ng japan sa April 23, 4:00 a.m. GMT+8 | April 22, 1:00 p.m. PDT | April 22, 8:00 p.m. GMT.

Makikita ang buong schedule para sa Masters Reykjavik 2022 dito. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Valorant Twitch at YouTube channels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.