Kamakailan, ang Rex Regum Qeon ang naging unang organisasyon sa Pacific league para kumpirmahin ang kanilang buong roster para sa VCT 2023.
Inihayag ng RRQ ang kanilang roster na may anim na players kung saan karamihan ay mga Filipino, bagay na ikinagalit ng mga Indonesian fans na pakiramdam ay nainsulto sila.
Ang RRQ ay isang Indonesian organization, kung kaya’t umaasa ang mga fans na magkakaroon ng dagdag na representasyon mula sa kanilang bansa, lalo na’t ang BOOM Esports ang isa sa mga teams na nakalampas sa APAC Last Chance Qualifier upang dumalo sa Valorant Champions 2022.
Ang kanilang CEO na si Adrian “AP” Pauline ay sumagot sa ilang mga pambabatikos sa pamamagitan ng isang pahayag na naka-post sa kanyang Instagram Stories.
Si TehbotoL ang tanging Indonesian player sa RRQ

“If indeed RRQ is wrong in choosing the players, we should at least be given the opportunity to try and wait for the results,” sabi niya. “We will also have an internal evaluation if the team’s performance does not match our expectations.”
Sumang-ayon ang CEO na marahil ay kailangan ng mas maraming Indonesian players sa team, ngunit sinabi rin niya na may mga kadahilanan na hindi nila kontrolado. “Why is there only one Indonesian player? Because there are a lot of things we cannot disclose,” dagdag pa niya. “Should there be more? Yes, but it is what it is.”
Ang kaisa-isang Indonesian player sa roster ay si David “tehbotoL” Monangin, ba huling naglaro para sa BOOM Esports roster na nag-qualify para sa Valorant Champions 2022 at kumuha ng isang map laban sa OpTic Gaming.
Si TehbotoL ang magiging kapitan at in-game leader ng team. Sa Istanbul, nagkaroon siya ng natatanging performance sa Breeze na hindi malilimutan, kung saan nagbagsak siya ng nakakaluhang 38 kills laban sa OpTic – isang bagong record para sa isang international game.
Nanatili ang apat na players mula sa orihinal na roster ng RRQ, habang si Eroll Jule “EJAY” Delfin naman ay hinugot mula sa Bren Esports.
Umaaasa ang mga fans na magkaroon ng Indonesian super team na binubuo ng mga players mula sa BOOM at ONIC G, ang ddalawang nangungunang teams sa bansa.
RRQ Valorant roster
- David “tehbotoL” Monangin
- James “2ge” Goopio
- Eroll “EJAY” Jule Delfin
- Kelly “kellyS” Sedillo
- Emmanuel “Emman” Morales
- Nathaniel “Nexi” Cabero
Unang sasabak ang roster sa VCT sa 30-team kickoff tournament na gaganapin sa Sao Paulo, Brazil sa susunod na February.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.