Shopify Rebellion na ang dadalhing pangalan ng mga dating miyembro ng Luminosity Gaming.
Ito ay matapos ang isang buwan nang ianunsyo ng Luminosity na pakakawalan na nila ang kanilang koponan sa Valorant. Inanunsyo din noon ng mga manlalaro na mananatili silang buo, kasama ang head coach na si Jared “mac” Schneider at manager na si Connor Larkin.
Buo itong kinuha ng Shopify, tanda ng unang pagpasok nila sa main VCT circuit.
Dati, ang female Game Changers roster lang ang hawak ng organisasyon. Isa ito sa pinakatanyag na koponan sa buong North America matapos sumelyo ng back-to-back grand finals sa VCT Game Changers NA.
May roster na ang Shopify Rebellion sa papasok na NA LCQ
Bagamat nabigo ang Shopify Rebellion sa playoffs ng VCT NA Stage 2 matapos talunin ng OpTic Gaming at FaZe Clan, may pag-asa pa rin silang maka-qualify sa Valorant Champions 2022 mula sa Last Chance Qualifier ng kanilang rehiyon.
Hawak ang 70 points, pasok ang Shopify roster sa top 10 teams sa NA na nakaselyo ng kanilang spot sa LCQ na gaganapin sa Agosto. Ito ang huling pagkakataon para sa mga koponan na makasama sa pinakamalaking Valorant tournament ng taon na gaganapin sa Setyembre.
Maglalaro ang koponan sa sariling pasilidad ng Shopify, ayon kay Adam “mada” Pampuch. Dito rin sila maghahanda para sa LCQ.
Sa ilalim ng Luminosity, hindi nawawala ang mga manlalaro sa mga playoffs ng VCT NA Challengers. Madalas nga lang ay natatapos ang kanilang kampanya sa ikawalong puwesto.
Valorant roster ng Shopify Rebellion
- Will “dazzLe” Loafman
- Brandon “bdog” Sanders
- Adam “mada” Pampuch
- Kaleb “moose” Jayne
- Tanner “TiGG” Spanu
Isa rin ang Shopify sa mga organisasyon na nag-announce ng kanilang application para sa partnership sa bagong Valorant esports model ng Riot Games na iiimplementa sa 2023.
Higit 150 organisasyon na ang nag-apply para sa partnership status para sa susunod na taon, pero iilang slots lang ang available para sa tatlong international leagues.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Paper Rex back-to-back champion ng VCT APAC Challengers