Nakagawa ng isang pagkakamali si Tyson “TenZ” Ngo habang kasama niya ang kanyang team na naghahanda para sa paaprating na Valorant Champions Tour North America Last Chance Qualifier (VCT NA LCQ) sa August.

Aksidenteng nai-live stream ng 21-anyos ang scrim ng Sentinels labans a FaZe Clan nang ilang minuto nang hindi niya napapansin, kaya’t naipakita niya sa marami ang agent composition ng dalawang teams sa Split.

Nagtagal ang stream ng tatlong rounds, ngunit sapat na ito upang masabik ang mga fans sa bagong agent na mukhang gagamitin ni TenZ sa NA LCQ.

TenZ aksidenteng na-stream ang scrim ng Sentinels laban sa FaZe Clan

Sentinels VCT NA LCQ Roster TenZ
Credit: Sentinels

Karaniwan na sa mga teams at mga players na i-record ang kanilang mga scrims para ito’y kanilang ma-review at mapag-aralan. Gayunpaman, nagkamali si TenZ sa pagpindot ng stream sa halip na record sa kanyang broadcast software.

Ang leaked stream ay nagsimula pagkatapos ng pistol round. Ang dalawang teams ay gumagamit ng parehong agent composition sa Split, kung saan si Michael “Shroud” Grzesiek ay Astra, Michael “dapr” Gulino ay Fade, Jordan “Zellsis” Montemurro ay Raze, at Shahzeb “ShahZaM” Khan ay gumagamit ng KAY/O.

Sa panig naman ni TenZ, gumagamit siya ng Chamber, isang agent na sinabi niyang gusto niyang gamitin sa VCT NA Stage 2 Challengers. Ang Sentinels star ay kilalang gumagamit ng Jett sa kahabaan ng kanyang pro career, kahit pa ang ibang Jett mains tulad ni Jacccob “:yay” Whiteaker ng OpTic Gaming ay naging matagumpay sa paggamit ng French agent.

Si Chamber ang isa sa mga pinakamalakas na agent sa kasalukuyang Valorant meta. Ang dapper weapons expert ang may pinakamataas na pick rate sa Masters Copenhagen na may 77%, sa kabila ng kamakailang nerf sa kanyang Trademark traps.



Ang bagong agent composition ay nagmamarka ng isang malaking pagbabago para sa team. Si TenZ ang naging primary duelist sa kanyang Jett, at paminsan-minsang nagfe-flex sa Raze sa mga maps tulad ng Split. Gayunpaman, hindi siya laging nakaakakuha ng parehong impact sa paggamit ng Brazilian duelist – meron siyang 0.97 K/D kumpara s 1.32 ng kanyang Jett sa nakaraang 90 araw – at may mga oras na parang hindi siya ganoon kakomportable.

Ang pagsali ni Zellsis sa team ay tila isang malaking oportunidad para sa kanila. Siya ang naging main Raze player ng Version1 at may mas maraming experience sa paggamit ng agent sa pro play, na makakatulong sa Sentinels na mag-adapt nang mas maigi sa kasalukuyang Raze and Chamber meta.

Agad na tinapos ni TenZ ang broadcast matapos niyang mapansin na live ang kanyang stream. Humingi rin siya ng paumanhin sa FaZe Clan at sinabing hindi niya sinasadya na mai-leak ang agent composition ng mga ito.

Layunin ng mga boys in red na bumawi matapos ang mga pagsubiok na kanilang kinaharap sa VCT 2022 season. Bagama’t nagawa ng team na makapasok sa parehong Main Events ng Stage 1 at 2 Challengers, hindi pa rin nila nagawang makapasok sa dalawang Masters tournament ng taong ito.

Muntik pa ngang hindi makapasok sa VCT NA LCQ ang North American squad dahil nasa 10th place sila pagdating sa VCT circuit points, dito ay lalaban sila para sa huling slot sa Valorant Champions Istanbul.

Mapapanood ng mga fans ang buong leaked stream dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.