Usap-usapan ngayon ang Sentinels matapos nilang kunin ang dating CS:GO pro na naging superstar streamer na si Michael “Shroud” Grzekiek at Version1 player na si Jordan “Zellsis” Montemurro bilang paghahanda sa paparating na VCT NA Last Chance Qualifier.

Bagamat excited ang lahat sa pagbabalik ni Shroud sa bakbakan, marami rin ang nagdududa kung kaya nga ba ng 28-taong-gulang na makipagsabayan para maka-qualify ang Sentinels sa Valorant Champions.

Bagamat matagal-tagal na ang huling sabak ni Shroud sa professional scene, ipinabatid naman ni Tyson “TenZ” Ngo ang kanyang tiwala sa kakayahan ng bago niyang kakampi.

Naniniwala si TenZ na kayang-kaya pa ni Shroud makipagsabayan sa LCQ

Kumpiyansa si TenZ sa pagbabalik ni Shroud sa competitive scene
Credit: Shroud

“He is really good,” ani ng 21-taong-gulang na duelist. “Like, trust me, you give him a few weeks of just playing at a bootcamp and playing on like 5ms ping, and I’m sure that he’s going to perform really well.”

Kumpirmado na ring magbu-bootcamp si Shroud kasama ang mga kakampi niya sa Sentinels bilang paghahanda sa LCQ. Pupunan niya ang role ng controller, na dating ginagampanan ni Jared “zombs” Gitlin at Hunter “SicK” Mims.



Bagamat noong 2018 pa ang huling pro match ni Shroud sa CS:GO, naniniwala si TenZ na madali lang makakapag-adapt ito sa Valorant. “A lot of CS players have a pretty easy time going into Valorant,” sambit niya. “If they already know Valorant and its abilities, there’s a lot less for them to learn.”

“He’s already really good at the game without like actually playing it all the time and competing at pro level,” dagdag niya.” “Nobody can take that away from him.”

Kumpiyansa rin naman si Shroud sa kanyang pagbabalik sa pro scene.” “I don’t see why not, especially with my role,” sagot niya, nang tanungin ng isang viewer kung kaya pa ba niya makipagsabayan sa mga pro.

“I would say if your role is like an entry, you need to be 15 years old and just caffeinated, but as a controller, I think so.”

Inaasahang magiging ma-aksyon ang bakbakan sa LCQ, na nakatakdang iraos sa Agosto. Walong koponan ang maglalaban-laban, kasama ang 100 Thieves, FaZe Clan, at NRG Esports, para sa huling slot sa Valorant Champions.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Edward Gaming at KONE ang mga unang Chinese teams na nakapasok sa East Asia LCQ