Inanunsyo ng North American powerhouse squad na Sentinels ang paglisan ni Jared “zombs” Gitlin mula sa kanilang active Valorant roster.

Kinuha ng organisasyon si Eric “Kanpeki” Xu upang pumalit sa kanya bilang bagong myembro ng squad. Sila ang bumubuo ng roster na lalaban sa paparating na VCT NA Stage 2 Challengers qualifiers.

Sentinels inalis si zombs sa kanilang active roster at kinuha si Kanpeki

Valorant VCT Sentinels
Credit: Riot Games

Matapos ang matagumpay na VCT 2021 campaign kung saan kinoronahan sila bilang mga kampeon ng VCT Stage 2 Masters Reykjavik, hindi naging masyadong maganda ang ipinakita ng Sentinels sa sumunod na season.

Nagtap[os ang team sa 7th-8thplace sa VCT NA Stage 1 Challengers Main Event at nabigong mag-qualify para sa Masters Reykjavik 2022. Ito ang unang international Valorant tournament na hindi nila nasalihan mula nang mag-umpisa ang Valorant Champions Tour.

Sa unang roster move mula noong 2021, kinuha ng Sentinels si Kanpeki, na inirekumenda ng superstar duelist ng team na si Tyson “TenZ” Ngo.

Si Kanpeki ay dating player ng Akrew, isang North American squad na muntik nang makapasok sa regional league ng Stage 1. Natalo ang Akrew sa lower bracket semifinals sa unang open qualifier sa The Guard, ang team na nagwagi sa NA Stage 1 Challengers.

Sentinels Valorant roster

  • Shahzeb “ShahZaM” Khan
  • Hunter “SicK” Mims
  • Tyson “TenZ” Ngo
  • Eric “Kanpeki” Xu
  • Michael “dapr” Gulino

Ayon sa announcement ng team, si Kanpeki ang mapupunta sa flex role, habang si Hunter “SicK” Mims naman ang inaasahang gagamit ng mga controller agents para sa team.

May bagong North American superteam ba na nabubuo?

Sentinels Zombs Benched VCT Stage 2 2022
Credit: Wardell

Sumagot ang dating TSM star player na si Matthew “Wardell” Yu sa naganap na roster changes kung saan tinanong niya si zombs kung gusto nitong bumuo ng bagong Valorant roster. Sinago ni zombs si Wardell at sinabing pwede nilang isali si Jay “Sinatraa” Won sa kanilang stream team.

Ang tatlong nabanggit na players ay itinuring na pinakamahuhusay na Valorant players sa North America. Ang trio ay may pinagsama-samang apat na Ignition Series tournaments an ipinanalo. Ang posibleng team-up na ito ay maaaring bumuo ng isa pang powerhouse roster sa North American region.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.