Hindi man nagtagal si Michael “shroud” Grzesiek bilang miyembro ng Sentinels, ngunit hindi ito marahil ang huling pagkakataoin na makikita natin siya sa pro Valorant.

Ngayong nakumpirma na ang Americas league sa VCT 2023 ay gaganapin sa Los Angeles kung saan siya nakatira, nagkaroon ng malaking posibilidad na muli siyang lumaban at makigulo sa pagbubukas ng season – o maaari ring bumalik siya sa Sentinels.

Gayunpaman, kahit na kunin siya ng isa sa mga partnered teams sa liga, mukhang bukas rin ang 28-anyos sa posibilidad na mag-compete sa Tier 2 Challengers circuit.

“Hopefully, I’ll be jumping on a team, whether it’s Tier 1 or Tier 2,” sabi niya kay Alex “Goldenboy” Mendez sa isang interview sa stage ng Valorant Champions 2022. “If it’s Tier 2, I’d like to start a team, maybe get some up-and-comers. If it’s Tier 1, I want to see how well I can do in a full-scale three to six-month period where I really go hard.”

Shroud nais pa ring maglaro bilang isang pro

Shroud Champions 2022
Credit: Riot Games

Hindi rin pinalampas ng Twitch superstar ang pagkakataon na i-tease ang mga fans sa isang posibleng reunion ng mga pamilyar na mukha mula sa North American CS:GO.

Sa isang interview kamakailan sa Gold Carpet, nagbigay siya ng listahan ng mga pangalan na siguradong kababaliwan ng mga fans kung sakaling magkatotoo.

“We may be starting a team in 2023,” sabi niya kay Doug “EsportsDoug” Cortez, nang tanungin kung magkakasama sila ni Tarik “Tarik” Celik sa paglalaro para sa Sentinels. “Me, tarik, n0thing, Skadoodle, maybe bring Sean Gares back from coach?”



Bagama’t mababa ang posibilidad na magkatotoo ang pagbuo ng team na ito, lalo na at nakapirma na si Tarik sa Sentinels bilang isang content creator at kasalukuyan nang coach ng 100 Thieves si Sean Gares, hindi pa rin masama ang umasa.

Si Jordan “n0thing” Gilbert ay isa sa mga beterano ng North American Counter-Strike na nakilala sa kanyang paglalaro sa para Cloud9, habang si Tyler “Skadoodle” Latham naman ang marahil pinakamahusay na AWPer sa rehiyon.

Anu’t ano pa man, mukhang ginanahan na muling mag-compete si shroud, at hindi siya kuntento sa tatlong match na nalaro siya para sa Sentinels.

Maraming pwedeng mangyari. Ang pinakamaganda na siguro ay ang magkaron siya ng permanenteng pwesto sa Sentinels, lalo pa’t umalis na pabalik ng Version1 si Jordan “Zellsis “Montemurro. Wala pa ring balita kung magbabalik si Hunter “SicK” Mims, na nangangahulugang may dalawang spots na bukas sa team.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.