Pinuna ni Valorant streamer at dating CS:GO pro na si Tarik “tarik” Celik ang management ng Sentinels dahil sa pagpalya nilang magbigay ng coach para sa kanilang Valorant roster.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng pagbabago sa roster ng Sentinels sa unang pagkakataon matapos ang mahigit isang taon nang palitan nila si controller Jared “zombs” Gitlin para kay former Akrew player Eric “Kanpeki” Xu.
Dahil isang linggo lang ang practice sa pagitan ng bagong signing at unang VCT NA Stage 2 Challengers open qualifier, agad na-knock out sa torneo ang Sentinels matapos makalasap ng mga pagkatalo sa kamay ng FaZe Clan at Luminosity.
Tanging sila Shazeb “ShahZaM” Khan at kanyang mga kasamahan ang top team sa North America na walang Valorant coach sa kasalukuyan kaya nasa 28-year-old in-game leader ang halos lahat ng trabaho sa pag-strategize at pag-aral sa mga kompetisyon.
Sinabi ni tarik na kailangan ng Sentinels players ng mas malaking suporta mula sa kanilang organisasyon

Nagkaroon ng panandaliang coach ang Sentinels sa anyo ni former FaZe Clan pro Shane “Rawkus” Flaherty noong Champions 2021.
Sa kasamaang palad, umalis din si Rawkus sa koponan noong February dahil sa mga komplikasyon sa pag-buyout.
“They have the most popular Valorant team in the world. If I were the manager of this organization, or the CEO, I would be pushing to get these guys a coach right away, and they clearly want one,” wika ni tarik. “I think this is a failure on the side of the organization.”
Inilabas niya ang mga komentong ito matapos ang lower bracket qualifier match sa pagitan ng Sentinels at Luminosity kung saan natalo ang koponan nila Tyson “TenZ” Ngo sa iskor na 1-2.
“I don’t know too much about the organization, but I think they deserve some criticism as well. The players are catching all the flak, but where is the org in all this?” tanong ni tarik.
Usap-usapan na tina-try out ng Sentinels ang Overwatch player na si Luis “iRemiix” Galarza Figueroa noong March bilang isa sa mga ilang kandidato pero wala pang anunsyo ang organisasyon patungkol sa Valorant coach signing.
May isa pang pagkakataon na makapasok sa VCT NA Stage 2 Challengers Main Event ang koponan sa pamamagitan ng second qualifier na nakatakda mula ika-6 hanggang ika-9 ng Mayo.
Para sa Valorant news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Basahin ang orihinal na artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.