Mahaba-habang listahan ng pagbabago ang inilatag sa Valorant patch 4.04, kabilang na ang malaking rework sa Icebox at nerf kay Astra. Bukod dito, niluluto rin ng Riot Games ang bagong ‘deterministic map system’ para mapababa ang tsansa na makakuha ng paulit-ulit na mapa sa Valorant.

Alam namin ang pakiramdam na mapwersang maglaro sa Breeze kahit pa kakatalo mo lang sa parehong mapa kaya’t tiyak na kapanapanabik ang update na ‘to.

Kasalukuyang tine-test ang nasabing system sa Latin America servers ng Valorant. Kung walang makikitang issues, plano ng Riot na iimplementa ito sa ibang rehiyon sa mga susunod na araw.


Paano mai-improve ng ‘deterministic map system’ ang map variety sa Valorant patch 4.04

Paano mai-improve ng 'deterministic map system' ang map variety sa Valorant patch 4.04
Credit: Riot Games

May tatlong rule na sinusunod ang ‘deterministic map system’ sa pag pili ng mapa matapos mapili ang mga player na lalaro sa isang laban.

Una, titignan nito ang huling limang mapa na nilaro ng lahat ng mga napiling player para sa partikular na mode. Pagkatapos, tatanggalin ng system ang lahat ng mapa na nalaro ng mga player sa lobby nang dalawang beses sa nakalipas na limang laro.

Kung ang lahat ng mapa ay natanggal dahil sa “Twice Played” rule, ibabalik ang mga ito sa pool, tsaka pipiilin ang mapa na pinakamadalang nalaro.

Sa kabila ng mga naunang subok ng Riot para mapababa ang tsansa ng pag-ulit ng mapa, madalas pa rin itong nangyayari sa karamihan ng players. Kung gagana ayon sa plano ang sistema, tiyak na mas mapabubuti nito ang map variety sa Valorant.

‘Di tulad sa CS:GO, hindi maaaring mamili ang mga manlalaro ng mapa kung saan gusto nilang maglaro. Dahil dito, may ilang CS:GO players na naglalaro lang sa Inferno o Mirage, bagay na gustong iwasan ng Riot para sa Valorant.

Gayunpaman, hindi pa rin imposible na gawing feature balang araw ng Riot ang map selector lalo na kung mas marami na ang pagpipilian. Sa ngayon, asahan na mas mapapabuti ng bagong ‘deterministic map system’ ang Valorant experience ng lahat.

Mababasa ang nilalaman ng patch 4.04 dito.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Hiko sa Viper nerfs: ‘She can’t be your only controller agent anymore’