Nilalayon ng Team Liquid na mas palakasin pa ang kanilang roster at nakatuon ang kanilang paningin sa tatlo sa mga top free agents sa EMEA region.

Ang European organization ay pinaplanong kunin ang dating Gambit Esports player na si Ayaz “nAts” Akhmetshin at Igor “Redgar” Vlasov, bukod pa sa dating Guild Esports star na si Saif “Sayf” Jibraeel, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.

Sina nAts, Redgar, at Sayf at naiulat na kasalukuyang nakikipagnegosasyon pa sa Liquid. Kung pipirma sila sa partnered organization, makakasama nila sina Dom “soulcas” Sulcas at Elias “Jamppi” Olkkonen sa paparating na VCT 2023 season.


Team Liquid nakikipagnegosasyon na kina nAts, Redgar, at Sayf

Valorant Champions 2021 Gambit Esports Redgar Team liquid
Credit: Riot Games/Getty Images

Si nAts ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na free agents sa EMEA region, na pinakamahusay na player din sa winning roster ng Gambit Esports sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Ang 20-anyos ay nakilala bilang isang kahanga-hangang flex player na kayang mag-achor ng mga sites at gumawa ng mga impactful na lurk plays na bubuhat sa kanyang team sa ano mang laban.

Kasama ni Redgar si nAts noong panahon ng kalakasan ng team bilang in-game leader nito. Tinapos ng Russian duo ang kanilang VCT 2021 season bilang mga Valorant Champions runner-up.

Hindi nagawa ng CIS squad na ulitin ang kanilang tagumpay sa VCT 2022 season nang magpasya ang team na maglaro sa ilalim ng M3 Champions banner. Hindi nakap[asok ang team sa dalawang nakaraang Masters events at nabigo rin sa kanilang VCT EMEA LCQ run.

Noong August 6, nagpasya ang gambit na pakawalan ang buong roster, kung kaya’t nagawa nina nAts at Redgar na humanap ng mga bagong oportunidad sa ibang mga organisasyon.

Nabanggit din bilang isa sa mga posibleng maging player ng Liquid ay si Sayf, isang sumisikat na flex player sa EMEA region. Maging bahagi siya ng roster ng Guild Esports na nagkaroon ng nakakabilib na run noong VCT EMEA Stage 2 Challengers, kung saan tinalo nila ang M3 Champions at nafg-qualify para sa Masters Copenhagen.

Tulad nina nAts at Redgar, ang season ni Sayf ay nagtapos nang matanggal ang Guild Esports sa VCT EMEA LCQ at nabigong makapasok sa Valorant Champions 2022.

Sa pagtatapos ng season, inanunsyo ni Sayf na isa na siyang free agent matapos hindi mapili ang Guild bilang isa sa 10 teams sa EMEA league sa susunod na taon.


ScreaM at Nivera maaaring lumipat sa Karmine Corp

Team Liquid ScreaM Nivera
Credit: Riot Games

Ang trio ay maaaring pumalit kina Adil “ScreaM” Benrlitom, Nabil “Nivera” Benrlitom, at Dmitriy “dimasick” Matvienko, tatlong players na nakatakdang umalis mula sa Liquid, ayon sa ulat.

Ang magklapartid na sina ScreaM at Nivera ay mananatiling isang duo at kasalukuyan nang nakikipag-usap sa Karmine Corp, isang French organization na nakakuha ng partnership spot sa EMEA league. May mahabang karanasan si ScreaM sa mga nagdaang French-speaking rosters sa CS:GO, dahil nakapaglaro siya sa mga teams tulad ng Envy, G2 Esports, at Titan, kung kaya’t posible na muli nating makita ito.

Samantala, naghahanap din ng bagong oportunidad si dimasick.

Ang Team liquid ay lalaban sa Fnatic, Team Vitality, Karmine Corp, Team Heretics, Giants, Natus Vincere, FUT Esports, BBL Esports, at KOI.

Ang bagong roster ay magkakaroon ng international debut kapag ang lahat nang 30 Valorant partnered teams ay magkita-kita sa Sao Paulo, Brazil sa February, kung saan gaganapin ng Riot Games ang pinakamalaki nitong VCT tournament.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.