Winalis ng Team Secret ang ONIC Esports sa kanilang paghaharap sa ikalawang round ng VCT APAC Stage 2 Challengers playoffs.

Matapos talunin ang XERXIA Esports ng Thailand, ang ONIC Esports naman ng Indonesia ang pinababa ng Secret papuntang lower bracket ng playoffs nang talunin nila ito 2-0 sa isang best-of-three series.

Team Secret winalis ang ONIC Esports sa VCT APAC Stage 2 Challengers playoffs

Team Secret VCT APAC Stage 2 Playoffs
Credit: PPGL

Natalo ang Secret sa unang dalawang rounds ng game one bago sila mahimasmasan upang tapusin ang unang half sa score na 8-4. Pinakawalan ni Riley “witz” Go ang winning shot upang kunin ang Icebox 13-8, isang magandang panimula para sa natitirang Pinoy team sa tournament.

Tulad ng nangyari sa kanilang huling match, muling inilabas ng Secret ang kanilang bunso na si Jeremy “Jremy” Cabrera upang maglaro sa Breeze para sa ikalawang game.

Muling tinapos ng Secret ang unang half sa score na 8-4. Bitbit ang momentum ng unang half, ay nakuha rin ng Pinoy squad ang sumunod na dalawang rounds. Gaya ng nangyari sa unang game, kinuha ng Secret ang Breeze sa score na 13-8.

Team Secret JessieVash MVP VCT APAC Stage 2 Playoffs
Credit: PPGL

Tinanghal na series MVP si Jessie “JessiVash” Cuyco na may Average Combat Score (ACS) na 250 at 36/23/16 KDA.

Dahil sa panalong ito, makakaharap ng Team Secret ang mga kampeon ng VCT APAC Stage 1 Challengers na Paper Rex sa upper bracket finals, dito na magkakaalaman kung sino ang unang team na magiging kinatawan ng rehiyon para sa Masters Copenhagen.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming, esports, at sa MSC 2022, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.