Sa kanilang huling laban sa Group Stage, sinigurado ng Team Secret na makapasok sila sa playoffs ng VCT Philippines Stage 1 Challengers.
Isang malakas na 2-0 ang naging huling sigaw ng Team Secret sa kanilang match laban sa Action PH bilang ganti sa kanilang hindi magandang simula sa Group Stage.
Sa Bind naganap ang Game 1, kung saan nagkaroon ng Jett showdown sa pagitan nina George “Georggyyy” Lachica at Jayvee “DubsteP” Paguirigan. Dito ay nangibabaw ang duelist ng Team Secret at hinirang na MVP na may 19 kills, 1.9 KDA, at 269 combat score. Natapos ang game sa score na 13-7.

Sa Game 2 naman ay pinatunayan ng bagong miyembro ng squad na si Jeremy “Jremy” Cabrera na nararapat sya sa hanay ng mga beterano ng kanyang bagong team. Kakaibang husay ang pinakita ni Jremy sa kanyang Raze lalo na sa huling play ng game kung saan nabaligtad nila ni Jessie “JessieVash” Cuyco ang isang 2v4 situation na nagresulta sa kanilang pagkapanalo sa series sa score na 2-0.
Paghahanda ng Team Secret para sa playoffs
Sa post-match interview, ibinahagi ng Team Secret coach na si Chong Hoic “Fayde” Wah ang dapat asahan sa kanilang team sa darating na playoffs. “Everyone will be studying how we play, so I think you’ll see a different Team Secret next week,” ayon kay Fayde.

Ibinahagi rin nya ang naging epekto ng pagsali ni Jremy sa kanilang Valorant roster.
“Having Jremy in the roster is kind of like a surprise element to every other teams. Both witz and Jremy are good players and I actually like to rotate around them to play against different teams, they both excel in different situations,” binahagi ng coach. “Many different styles we can bring out in the playoffs.”
“Experiment in Week 1, done. No more bad internet, no more excuses,” pabirong dagdag pa ni Fayde.
Unang makakaharap ng Team Secret ang South Built Esports sa playoffs na magsisimula sa February 24 at magtatapos sa February 27.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Valorant VCT Stage 1 Power Rankings: Nangunguna ang Acend sa 2022