Handang handa na ang pinakamahuhusay na teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa Valorant Champions Tour 2022 season.
Inilista namin ang top 10 teams sa lahat ng regions sa aming VCT 2022 Stage 1 Power Rankings, base sa kanilang nakaraan na tournament performances at sa kanilang ipinakita sa unang linggo ng bagong season.
Ang lahat nang teams ay nakatuon sa 2021 Valorant Champions na Acend, na sisiguraduhin namang mananatili silang pinakamahusay na Valorant team sa buong mundo. Ngunit hindi nalalayo sa kanila ang CIS powerhouse na Gambit Esports, na nagwagi sa Masters Berlin at nakakuha ng second-place finish sa Champions noong December.
| TEAM | REGION | PREVIOUS POWER RANKING PLACING |
| 1. Acend | EMEA | 5th |
| 2. Gambit Esports | EMEA | 1st |
| 3. Cloud9 | North America | New |
| 4. Sentinels | North America | 2nd |
| 5. Fnatic | EMEA | 7th |
| 6. OpTic Gaming | North America | 3rd |
| 7. Team Liquid | EMEA | 6th |
| 8. KRU Esports | Latin America | 8th |
| 9. Vision Strikers | Korea | 4th |
| 10. XERXIA Esports | SEA (Thailand) | 9th |
VCT Stage 1 Power Rankings
1. Acend

Ang European squad na ito ay naitala sa kasaysayan bilang kauna-unahang Valorant world champions nang talunin nila ang Gambit Esports sa isang matinding 3-2 grand final. Maganda na ang ipinapakita nila sa EMEA region simula pa lang ng season, kung saan tinalo nila ang Team Heretics sa VCT EU Stage 1 Masters event.
Nagpatuloy sa pag-improve ang team sa kahabaan ng VCT 2021 season, kasabay ng pag-improve ng bawat miyembro ng team kasama ang Jett superstar na si Mehmet “cNed” Yağız İpek. Ang pagdagdag ni Aleksander “zeek” Zygmunt noong June ay lalong pang nagpatibay sa malakas nang firepower ng team, na nakita naman sa kanilang performance sa Champions 2021.
Mahusay ang ipinakita ng Acend sa kanilang opening match sa VCT EMEA Stage 1 Challenegrs Group Stage laban sa SuperMassive Blaze. Kinuha nila ang series sa score na 2-0 kung saan nangibabaw sina cNed at Patryk “starxo” Kopczyński.
2. Gambit Esports

Mas gutom pa sa gutom ang Russian powerhouse na Gambit Esports matapos ang muntik na nilang pagkapanalo ng world championship laban sa Acend.
Ang squad na ito ang naghari sa CIS region sa kabuuan ng VCT 2021 season, nakuha nila ang pansin ng international scene matapos manalo sa Masters Berlin at ma-sweep ang Team Envy (ngayon OpTic Gaming) sa grand final.
Isa sa mga nangibabaw sa Gambit Esports noong 2021 ay si Ayaz “nAts” Akhmetshin, isang sentinel at Viper player na nagawang ma-outfrag maging mga players na duelist mains. Sya rin ang nagpasikat ng sarili nyang style ng lurking na tinularan ng ibang teams tulad ng Vision Strikers matapos makita kung gaano ito kaepektibo sa world stage.
Ipinanalo ng Russian squad ang kanilang opening match laban sa Team Liquid, kung saan nagbigay si Timofey “Chronicle” KHromov ng isang MVP-worthy performance.
3. Cloud9

Matapos ang pangangapa upang ma-improve ang kanilang roster sa kabuuan ng VCT 2021 season, sa wakas ay nakasama na rin ang Cloud9 sa hanay ng pinakamahuhusay na Valorant squads.
Ang bagong squad ng Cloud9 ay binubuo nina Anthony “Vanity” Malaspina, Erick “Xeppaa” Bach, and Nathan “leaf” Orf, na bahagi ng CS:GO roster ng Chaos Esports Club. Ang trio ay nagpasyang pumasok sa Valorant at pinalad na maging magkakasama ulit sa isang team matapos makuha si Vanity mula sa Version1.
Naganap ang international debut ng Norht American squad matapos manalo sa VCT NA Last Chance Qualifier, kung saan tinapos nila ang 2021 season ng XSET, 100 Thieves, at Rise.
Kinapos ang kanilang performance sa Valorant Champions 2021 sa isang quarter-finals exit, ngunit nakakabilib ang kanilang ipinakita na paggamit ng utility at consistency na iilang team lang ang kayang tumapat. Kita sa kanilang 2-0 match laban sa 100 Thieves sa VCT NA Stage 1 Challengers Group Stage kung gaano kalayo na ang narrating ng team na ito.
4. Sentinels

Misyon ng Sentinels na bawiin ang titolo bilang mga hari ng Valorant. Nakuha nila ang halos lahat nang VCT NA Challengers events noong 2021, at itinuring na pinakamahusay sa buong mundoi noong panahong iyon.
Sa Masters Reykjavik, sinakop nila ang buong tournament nang walang talo, at kinuha ang tropeyo ng kauna-unahang international Valorant LAN event. Matapos ito ay nanalo naman ang Sentinels sa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs upang makapasok sa VCT Stage 3 Masters Berlin nang meron lang 2 map losses sa kanilang pangalan.
Babawi sina Shahzeb “ShahZam” Khan at ang kanyang grupo matapos ang nakakabiglkang pagkatalo nila sa kamay ng KRU Esports sa Valorant Campions 2021.
Sa kabila ng maraming batikos dahil sa umanong hindi nila pag-eensayo, pinatunayan ng North American squad na meron parin silang husay upang makabalik mula sa pagkadehado. Nanlo sila sa kanilang opening series 2-1 laban sa isang NRG team, salamat sa pagbuhat ni TenZ.
5. Fnatic

Layunin ng Fnatic na sakupin ang EMEA region matapos ang kanilang respetadong fifth-to-eight place finish sa Valorant Champions 2021. Pinatunayan ng fan-favorite squad, sa pamumuno ni Jake “Boaster” Howlett, na kaya nilang mag-entertain gamit ang kanilang mahusay na gameplay at nakakaaliw na post-game celebrations.
Nakakabilib ang kabuuan ng VCT 2021 season ng European squad, kung saan nagtapos sila sa second place sa Masters Reykjavik.
Nakakuha na ang Fnatic ng nakakabilib na 2-1 victory laban sa revamped roster ng G2 Esports sa unang linggo ng VCT EMEA Stage 1 Challengers Group Stage. Mainit ang matinding duo nina Nikita “Derke” Sirmitev at kasasali lang sa squad na si Andrey “BraveAF” Gorchakov, na isa sa mga dahilan ng magandang performance ng Fnatic sa VCT 2021 season.
6. OpTic Gaming

Dating kilala bilang Team Envy, ang OpTic Gaming ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay sa North America. Maganda ang ipinakita nilang resulta sa kabuuan ng VCT 2021 season at nakakuha ng panalo laban sa mga pinakamahuhusay na teams sa kanilang rehiyon.
Sila ang natatanging team na nakapag-sweep sa Sentinels sa isang best-of-five series noong VCT NA Stage 1 Challengers 2. Sa ilalim ng Team Envy banner, mahusay ang naging run ng North American team sa Masters Berlin, kung saan nagtapos sila bialng runner-up.
Sa kasamaang-palad, natapos ang Valorant Champions 2021 run ng OpTic Gaming nang talunin sila ng Thai squad na X10 Crit sa group stage.
Gayunpaman, dahil sa kanilang performance sa 2021 season ay nakatanggap ang team ng direct invite sa VCT NA Stage 2 Challengers Group Stage, kasama ang Sentinels, Cloud9, at 100 Thieves. Bagama’t mukhang medyo kalawangin sila sa kanilang unang match laban sa Rise, nakitaan pa rin ng husay si Jaccob “yay” Whiteaker na nagpakita kung bakit isa sa mga kinakatakutang Jett players sa North America ang El Diablo.
7. Team Liquid

Mulan ang dumagdag si Nabil “Nivera” Benrlitom, nakilala na ang Team Liquid bilang isa sa mga top rosters sa European Valorant.
Magkahalong taumpay at pagkabigo ang kinahantungan ng 2021 para sa Team Liquid. Nagtapos sila sa fourth place sa Masters Reykjavik, ngunit kinapos sa pag-qualify sa sumunod na international LAN event na Masters Berlin.
Ngunit may magandang nangyari sa squad sa pagtatapos ng taon. Naging mahusay ang kanilang run upang maipanalo ang VCT EMEA Last Chance Qualifier, na syang nagpaabante sa kanial papuntang Valorant Champions 2021 kung saan nagtapos sila sa third-to-fourth place.
Natalo man ang Team Liquid sa kanilang opening match laban sa Gambit Esports sa VCT EMEA Stage 1 Group Stage, napatunayan naman nila nang ilang ulit na may kakayahan silang makabawi sa anumang laban.
8. KRU Esports

Tuloy-tuloy ang pag-abante ng Latin American squad matapoos ang kanilang mainit na run sa Valorant Champions 2021, kung saan na-upset at na-eliminate nila ang Sentinels at Fnatic. Dinala din ng KRU Esports ang Gampit Esports sa sukdulan sa semifinals, isang match na nauwi sa isang quintuple overtime.
Matapos makapag-compete sa lahat nang international events sa VCT 2021 season, pintunayan ng KRU Esports na kaya nilang talunin ang mga pinakamahuhusay na teams sa buong mundo. Sa ngayon, layunin nilang sakupin ang Latin America sa regional Challenger event, ngunit nasasabik na ang marami na muli silang makita sa world stage.
Hindi nagpapigil ang KRU Esports sa kanilang opening game sa VCT LATAM Stage 1 Challengers Group Stage, kung saan kinuha nila ang series sa score na 13-0 sa Haven.
9. DRX Vision Strikers

Nagbabalik ang mga hari ng Korea, at sa pagkakataong ito ay nasa ilalim sila ngh DRX banner na may revamped roster para sa VCT 2021 season. Halos walang makatalo sa DRX Vision Strikers sa Korea noong VCT 2021 season, ngunit hindi nila ito nagawang ulitin nang makaharap nila ang mga international teams sa mga Masters events.
Sumikat ang Vision Strikes dahil sa kanilang makasaysayang 104-game win streak, at naging mataas ang ekspektasyon para sa team na ito. Nakaabot sila sa playoffs ng Masters Berlin, kung saan tinalo nila ang Paper Rex at Acend, ngunit tinalo sila ng Gambit Esports sa quarterfinals.
Mulan ang uamlis sina Kim ”Lakia” Jong-min at Lee “k1Ng” Seung-won, maaaring hindi na magkaroon ng six-man roster ang DRX Vision Strikers para sa VCT 2022 season. Haharapin nila ang Desperado sa kanilang opening VCT Korea Stage 1 Challengers match sa February 23.
10 XERXIA Esports

Matapos ang kanilang nakakabilib na Valorant Champions 2021 run, nagbalik ang X10 Crit star player na si Patiphan Chaiwon sa Overwatch at sumama sa LA Gladiators para sa 2022 Overwatch League season. Hindi nagtagal, ang buong X10 Crit roster ay lumipat sa XERXIA Esports, isang Thai esports organization.
Nais ng XERXIA Esports patunayan na kaya nilang maging top team sa South East Asian region, kahit na lumipat na sa ibang game ang kanilang best player. Pumalit kay Patiphan si Thanachart “Surf” Rungpajaratkul, isang papasikat na duelist main mula sa Thailand.
Kasalukuyan nasa 2-0 ang standing ng squad sa VCT Thailand Stage 1 Challengers Group Stage kung saan nakakuha sila ng panalo mula sa Made in Thailand at Geldia Esports.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.