All out ang Riot Games sa disenyo at features ng bagong Valorant Kuronami bundle, na nakalaang lumabas sa Episode 8 Act 1. 

Na-leak ng data miners na ValorLeaks at ValorINTEL ang bagong Valorant bundle, at pinakita dito ang lahat ng bagong skins, variants, at inspect animations.

Valorant 10Dollar Amazon Gift Card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports
KUNIN ITO: Valorant US$10 Gift Card

Ang bida ng bagong skin collection ang bagong chained kunai melee – isang knife na magpaparamdam sa’yo na ikaw si Scorpion sa Mortal Kombat. 

Valorant Kuronami Bundle release date at presyo

Inaasahang magiging 7,000 hanggang 10,000 Valorant Points (VP) ang Valorant Kuronami bundle. 

Valorant 25Dollar Amazon Gift Card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports
KUNIN ITO: Valorant US$25 Gift Card

Lalabas ito sa in-game store ng Valorant sa Enero 11, 8 a.m. GMT+8, 12 a.m. GMT, Enero 10, 7 p.m. ET, at 4 p.m. PT.


Puro bagong features ang Valorant Kuronami bundle 

Valorant Kuronami bundle
Credit: ValorLeaks

Sa kaniyang kapansin-pansin na skins para sa Marshall, Melee, Sheriff, Spectre, at Vandal, tiyak na stylish ang bundle na ‘to sa digmaan. 

Mayroong apat na color variations ang Kuronami skins: gray at blue, purple at gold, white, at black. 

Ang bida dito ang Kuronami finisher, na tumatawag ng isang bagyo para mabitag ang huling eliminated na kalaban sa isang tubig na bilangguan, para maghatid ng bagong elemental spectacle sa dulo ng round. 

Ang Kuronami player card ay mayroon ding kakaibang water effect, na may kasamang gun buddy na may kill counter, na dumadagdag sa bawat player na mapapatumba mo bawat round. 

Ang Kuronami bundle ay may potensyal maging best collection sa Valorant. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Valorant. 

BASAHIN: Ipinaliwanag ni Shroud kung bakit hindi ka dapat gumamit ng dot crosshair sa Valorant