Naging isang malaking tinik sa tagiliran ng maraming players si Chamber mula noong lumabas siya. Sa kabila ng dalawang beses na pagbagsak ng mga nerfs, viable pa rin gaya ng dati ang French sentinel – at nanatili pa ring malakas at nakakamatay ang mga importanteng bahagi ng kanyang kit gaya ng Headhunter at Tour De Force.

Bilang most picked agent sa Masters Copenhagen at halos bawat Last Chance Qualifier, masasabing laganap ang Chamber meta sa pro Valorant nitong mga nakaraang buwan.

Gayunpaman, isang Valorant coach ang kumwestiyon kung nakakasama nga ba para sa kanilang mga star duelists at Operator users ang madalas na paggamit sa dapper sentinel. Sa katunayan, iniisip niyang possible na dahil sa Chamber meta ay naging mahina ang laro ng mga top players.

Nakakasama ba si Chamber sa mga top players?

Chember
Credit: Riot Games

“Chamber’s Rendezvous design disincentivizes proactive play beyond the small sphere of influence where he [cannot be traded],” sabi ni Martin ”Anderzz” Schelasin sa Twitter, coach ng VersionX, Game Changers team ng Version1.

“Many of the players currently on Chamber are ex-Jett mains or primary duelists whose careers have been made as much by their proactive play as their mechanical prowess.”

Sa pagdating ng Champions 2022, isa na namang napipintong pagbabago sa meta ang maaaring dumating, lalo na at maaaring maisantabi si Chamber sa ilang mga maps dahil sa nerf sa radius ng Rendezvous.

“As we tentatively round the corner on Chamber’s omnipresence, how successful will these players be at rekindling their proactive instinct and intuition for risk-reward equilibrium?” tanong ni Anderzz.

Dumanas ng hirap ang mga players sa pag-adjust kay Chamber, sabi niya, at maaari ring mangyari ang kabaligtaran nito dahil unti-unti nang gumagapang pabalik sa meta ang mga duelists gaya ni Jett.

Dahil dito, inamin rin ni Anderzz na ang paggamit ng Chamber ay nangangailangan ng matinding disiplina at “presence of mind”. Ang paglipat sa Chamber ay maaaring nagresulta sa pagbabago ng skill set ng mga players, at hindi naman talaga nakasama sa kanilang pangkabuuang kakayahan.

Isang magandang halimbawa si Jaccob “yay” Whiteaker ng OpTic Gaming bilang isang player na kailangang bitawan ang ilan sa kanyang instinctual playmaking ability para sa isang mas restrained na playstyle.

Gayunpaman, patuloy si yay sa pamamayagpag gamit ang French agent, at nanatili siya bilang isa sa mga pinakamahusay na players sa game. May ilan ring nagsasabing ang nakuhang disiplina ay maaaring makatulong sa kanilang pagunlad bilang players, kahit pa lumipat sila sa paggamit ng isang agent na hinahayaan silang gumamit ng mas loose na playstyle.

Sa pagsisimula ng Valorant Champions, maraming mata ang nagmamatyag kung may papasok na bagong meta sa Istanbul, o mananatili pa ring dominante ang French weapons expert.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.