Ang VCT Stage 2 Masters Copenhagen playoffs ay puno ng mga kapanapanabik na matches tampok ang mga pinakamahuhusay na Valorant players sa buong mundo.

Nakuha ng FunPlus Phoenix ang kanilang kauna-unahang Masters trophy matapos talunin ang Paper Rex sa isang matindin at mahabang grand final match. Muling ibinalik ng FPX ang EMEA sa tuktok ng international Valorant, habang binago naman ng PRX ang global standing at pinatunayan na hindi na maaaring ituring na minor region ang APAC.

Sa pagtatapos ng Masters Copenhagen ay antukoy na rin ang 10 teams na nakakuha ng sapat na VCT circuit points upang masiguro ang kanilang pwesto sa Valorant Champions Istanbul.

Balikan natin ang top five plays mula sa Masters Copenhagen playoffs.


Top 5 plays mula sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen playoffs

Derke Masters Copenhagen 2022 top 5 plays
Credit: Riot Games

5. Derke pinakawalan ang tunay na kapangyarihan ng Tour De Force

Ipinakita ni Nikita “Derke” Sirmitev kung gaano kalakas ang Tour De Force ultimate ni Chamber matapos ang clutch na 1v3 sa Haven laban sa FunPlux Phoenix sa upper bracket quarterfinals.

Matapos ang bigong C site push ng Fnatic, naiwang nag-iisa si Derke sa kanyang team at nagpasyang dalhin ang spike sa A site. Nang maitanim niya na ang spike, ikinasa ni Derke ang Tour De Force ni Chamber at naghintay sa paparating na retake ng FPX.

Una niyang pinaputukan ang kalabang Chamber sa A Link. At dahil mas mabilis mag-recover ang Tour De Force kumpara sa standard na Operator, nagawa niyang umikot at tumutok kay KAY/O na tumalon mula sa A Haven. Tapos ay ginamit ni Derke ang Rendezvous teleport upang makarating sa A Short, na nagbigay sa kanya ng saktong vantage point para itumba ang natitirang FPX player.



4. SUYGETSU sinaklolohan ang FunPlus Phoenix

Matapos makipaglaban kasama ang stand-in na si Mathias “SEIDER” Seider, sa wakas ay nakapag-compete din ang FunPlus Phoenix nang may buong roster nang makasali na ulit sa team si Dmitry “SUYGETSU” Ilyushin bago ng kanilang lower bracket match laban sa Guild Esports.

Nakakahabol na ang Guild Esports sa round lead ng FPX sa Ascent, ngunit ito ay bago nagpakitang gilas si SUYGETSU para sa kanyang international Valorant debut. Maagang bumagsak ang dalawang FPX players sa round bago pa makagawa ng agresibong atake si SUYGETSU sa mid at sunod-sunod na pinitas ang apat na miyembro ng Guild Esports. Ang kanyang late-game heroics ang pumigil sa pagkakaroon ng overtime, at tumulong sa FPX na manalo sa series 2-1.



3. Ang ‘di mapigilang Raze, Astra, at Fade combo ng Paper Rex sa Ascent

Pinatunayan ng top seed mula sa APAC na kahit ang pinakamagagaling na teams sa buong mundo ay kayang mabiktima ng kanilang agresibong playstyle. Laban sa Fnatic sa upper bracket semifinal, isinagawa ng Paper Rex ang patong-patong na atake sa Ascent na ikainamangha ng lahat.

Sa simula ng round, ipinuwesto ng Paper Rex ang Nebula smoke ni Astra sa A Main sa ibabaw ng wall malapit sa ultimate orb. Ginamit naman ni Jing Jie “Jinggg” Wang ang Blast Packs ni Raze upang makarating sa A Main, papunta sa loob ng smoke, upang gamitin ito bilang cover.

Inalalayan naman ni Benedict “Benkai” Tan ang kanyang duelist sa pamamagitan ng Haunt ni Fade, upang malaman ni Jinggg ang pwesto ng dalawang kalaban at itumba ang mga ito. Ang play na ito ay nagbigay ng man advantage sa PRX, na ginamit nila upang masiguro ang map win sa Ascent, at nagbigay sa APAC squad ng 1-0 lamang laban sa Fnatic.



2. Walang preno si Jinggg

Nagpakita ng mga bagong strategies ang Paper Rex sa Masters Copenhagen, ngunit ang pinakamatatagumpay nilang plays ay yung kung saan pinakawalan nila ang kanilang star duelist.

Sa grand final match laban sa FunPlus Phoenix, isang klase ng agresyong hindi mapigilan ang ipinakita ni Jingg nang magsilbing entry fragger ng FPX ang kanyang Sage. Hinintay ng Singaporean star Prowler ni Fade na ibunyag ang posisyon ng isang FPX player sa A site ng Icebox, bago ito lumusob para kunin ang kanyang unang kill.

Lumipat naman si Jinggg papuntang A Maze upang tapusin ang dalawa pang FPX players na nasa likod ng A site. Upang masiguro ang ace, nagpatuloy si Jinggg sa pag-push at pinatay ang kalabang Sage na nakatayo sa Boiler, kasunod ng isang flick shot sa Viper ni SUYGETSU.



1. Ang heroic plays ni Mesler na nagdal sa kanyang team papuntang Valorant Champions Istanbul

Hindi binigo ni Marco “Mesler” Amaro ang kanyang team na Leviatán nang kailanganin siya nito. Dahil nakataya ang pwesto sa Valorant Champions, hindi nagpatalo ang controller main laban sa top-seed squad ng NA na XSET.

Sa unang map na Split, nakagawa si Mesler ng nakakabilib na 1v4 clutch nang mabigyan niya ng tig-iisang malilinis na headshot ang apat na players ng XSET. Gayunpaman, natalo pa rin ang Leviatán sa mapa, 13-9. Sa Ascent, ang ikalawang map, patuloy ang pag-clutch ni Mesler sa mga rounds na nagsalba sa kanyang team mula sa pagkaka-eliminate.



Lamang ang XSET nang dalawa 12-10, ngunit ipinanalo ni Mesler ang isang 1v2 clutch upang ma-defuse ang spike sa kabila ng kinaharap na kagipitan. Isang pagkakamali naman mula sa NA squad ang nagbiigay sa kanya ng dalawang magkahiwalay na 1v1 duels, at hindi niya sinayang ang mga pagkakataon na ito. Nanalo ang Leviatán sa Ascent sa double overtime, 15-13, kasunod ng isang triple overtime na panalo sa Haven upang makuha ang series.



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.