Ibinalik ng FunPlus Phoenix ang rehiyon ng EMEA sa mapa ng international Valorant matapos nilang talunin ang top seed ng APAC na Paper Rex, 3-2, sa isa sa pinakadikit na grand final sa kasaysayan ng LAN ng laro.

Pumasok ang dalawang koponan sa grand final ng Masters Copenhagen bitbit ang dalawang magkaibang playstyle. Tangan ng isa ang mabagal at masusing paraan ng paglalaro, habang ang isa naman ay kilala sa pagiging agresibo at mabilis na laruan.

Hindi kasing swabe ang naging panimula ng FunPlus Phoenix sa kanilang kampanya sa turneo dahil kinailangan nilang kunin si Mathias “SEIDER” Seider bilang stand-in. Kinapos din muna sila kontra Fnatic sa playoffs, bago makabalik si Dmitry “SUGETSU” Ilyushin sa kanilang lineup.

Nang makumpleto na ang miyembro ng kanilang koponan, walang-takot nang binagtas ng EMEA powerhouse ang lower bracket para maka-abante sa grand final, kung saan ipinakita nila kung gaano sila kahanda kontra Paper Rex.

Ipinakita ng FunPlus Phoenix kung paano kontrahin ang agressive playstyle ng Paper Rex

FunPlus Phoenix kinoronahan bilang kampeon ng Masters Copenhagen matapos ang clutch na performance
Credit: Riot Games

Kinuha ng Paper Rex ang Bind bilang ang unang mapa ng serye. Pinarisan nila ito ng Yoru pick, na hindi nila inalabas kontra OpTic Gaming, pero hindi ito naging kasing epektibo.

Handang-handa ang FunPlus Phoenix sa baon ng Southeast Asian team bilang defenders. Matiyaga nilang inabangan ang pag-push na tiyak silang gagawin ng Paper Rex.

Nangibabaw ang in-game leader na si Kyrylo “ANGE1” Karasov sa Bind matapos magtala ng 18/8/6 KDA at 321 Average Combat Score (ACS), isang malupit na performance para sa isang 32-taong-gulang na beterano, ang pinakamatandang manlalaro sa turneo.



Tinapos ng FunPlus Phoenix ang unang mapa sa scoreline na 13-3. Malinaw na pangingibabaw ito kontra sa koponang kinikilala bilang isa sa pinakamahusay sa nasabing mapa.

“We need to prepare for any aggressive rounds at any point or moment and not be surprised when someone runs out at us at random times,” paliwanag ni ANGE1 sa post-match press conference matapos ang panalo nila kontra OpTic.

Kahit pa nakuha ng Paper Rex ang Icebox at Haven, napatunayang maiigi ng FunPlus Phoenix sa Fracture at Breeze na kontrolado na nila ang kanilang kalaban.

Sa Fracture, ipinamalas ng FunPlus Phoenix ang husay nilang makipag-trade ng players. Madalas nilang tauhan ang mga choke points na alam nilang ipe-pressure ng Paper Rex, gaya noong Round 4 kung saan napigilan nila ang A Main rush ng kalaban gamit ang one-way smoke ng Omen.

Si SUYGETSU ang tumapos sa mapa matapos makahanap ng apat na kills para iselyo ang Fracture sa iskor na 13-7. Hindi siya umalis sa attacker spawn, kung saan nakahanap siya ng dalawang miyembro ng Paper Rex na nagpu-push papuntang A Main, tsaka pumukol ng dalawa pa sa B Main.



Sa Breeze, ang ikalimang mapa, naglabas ang Paper Rex ng bagong lineup kung saan naglaro bilang Yoru si Jason “f0rsakeN” Susanto at Neon naman kay Wang “Jinggg” Jing Jie.

Bagamat natulungan sila ng agent composition na ito para makalamang sa iskor na 9-7, natuldukan ng anim na sunod-sunod na panalo ng FunPlus Phoenix ang kampanya ng Paper Rex. Muling nagpamalas ng tiyaga ang kinatawan ng EMEA para matapos ang mapa at serye sa iskor na 13-9.

Nakapagpakita pa ng angas ang Paper Rex nang mauwi ang huling round sa 3v2 situation, na pabor sa kanila. Pero muling pinatunayan ni SUYGETSU ang kanyang tikas matapos uluhan ang apat na miyembro ng kalaban para mauwi ang kampeonato.



Tanda ang kampeonato ng koponan na karapat-dapat nga silang pinili bilang ang paboritong manlo sa Masters Reykjavik, na hindi nila napuntahan dahil sa travel restrictions noon.

Samantala, wala namang dapat ikalumbay ang pambato ng APAC, partikular na si Jinggg, na nagtala ng 95/84/20 KDA at 283 ACS, ang pinakamtaas na tala sa server noong grand final. Siya rin ang nangingibabaw sa leaderboard ng Copenhagen pagdating sa ACS.

Pinapurihan din ni Aaron “mindfreak” Leonhard ang kanyang clutch performances. Kilala si mindfreak bilang ang player na may pinakamataas na clutch success rate sa Masters Copenhagen sa 35 porsyento.

Para sa FunPlus Phoenix at Paper Rex, susunod na ang Valorant Champions, kung saan magtitipon-tipon ang 16 na pinakamagagaling na koponan sa buong mundo. Nakatakdang ganapin ang pinakamalaking Valorant LAN event ng taon na ito sa Setyembre.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: VCT APAC Last Chance Qualifier: Schedule, resulta, mga teams, saan mapapanood