Muli, hindi magkakaroon ng back-to-back international Valorant champion matapos pabagsakin ng FunPlus Phoenix ang OpTic Gaming sa iskor na 3-1 sa kanilang lower bracket final match sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen 2022.

Hindi pa nakakatalo ang Masters Reykjavik champions na OpTic ng isang koponan mula sa EMEA pagdating sa international stage. Sa tatlong LAN tournaments, Natalo sila sa Gambit Esports, Acend at ngayon naman sa FPX.

Nagpasiklab si clutch demon Andrey “Shao” Kiprsky para sa EMEA second seed sa pamamagitan ng pagtala ng sumatotal na 68/49/23 KDA at 238 Average Combat Score (ACS). Nakapukol din siya ng 11 first kills kahit pa gumamit lang siya ng Omen, Sage at Fade.


FunPlus Phoenix pinauwi ang OpTic Gaming, haharapin ang Paper Rex sa grand finals ng Masters Copenhagen

FunPlus Phoenix
Credit: Riot Games

Nagsimula ang best-of-5 series sa map pick ng OpTic Gaming na Split. Bagamat nakuha ng North American kings ang unang dalawang round, agad na bumawi ang FunPlus Phoenix sa limang magkakasunod na round at kinuha ang 9-3 kalamangan.

Ilang well-time lurk plays at flanks ang ginawa ng FPX para gulatin ang OpTic players sa Split. Tuluyang inilista ng CIS squad ang 13-6 win sa opening map sa likod ng heroics mula kay Shao (Omen).

Si Ardis “ardiis” Svarenieks sa Chamber naman ang bumida sa Icebox sa pamamagitan ng pag-lock down sa mga anggulo gamit ang Operator. Maaga ulit nakaarangkada ang OpTic at kinuha ang 4-0 lead ngunit nakapag-reset ang FunPlus Phoenix matapos ang timeout at magpwersa ng 6-6 score sa unang half.

Dalawang rounds lang ang naipanalo ng NA reps ang sa kanilang defending half at tinapos ng EMEA standouts ang ikalawang mapa sa iskor na 13-8.



Nabuhay sila Pujan “FNS” Mehta at ang Reyjavik champs sa Bind kung saan hindi pa sila natatalo sa torneo. Naselyo nila ang mapa sa iskor na 13-6 at umambang makapagtala ng reverse sweep.

Pero hindi ito pinayagan ng FunPlus Phoenix. Sa Fracture, siniguro ulit ng European team ang 9-3 lead sa kanilang attacking half. Sa pagtatapos ng 13-7 win, si in-game leader Kyrylo “ANGE1” Karasov sa Omen ang top frag matapos kumana ng 19/12/5 KDA at 5 first kills.

Malaki rin ang ginampanan ni Dmitry “SUYGETSU” Ilyushin at ilang high-impact kills ang ginawa ng Russian player sa lahat ng mapa gamit ang Viper. May ilang analysts pa nga na inihahalintulad siya kay Ayaz “nAts” Akhmetshin ng M3 Champions at pinuri ang malupit na kombinasyon ng kanyang raw aim at game sense.

Umabante ang FunPlus Phoenix sa best-of-5 grand finals kung saan kakalabanin nila ang back-to-back APAC kings na Paper Rex. Isa-isang pinaluhod nila Jason “f0rsakeN” Susanto at kanyang koponan ang Guild Esports (2-0), Fnatic (2-0) at OpTic (2-1) sa upper bracket upang gumawa ng kasaysayan bilang unang APAC squad na nakapasok sa finals ng isang Valorant Masters tourney.

Credit: Riot Games

Nakatakdang ganapin ang Masters Copenhagen grand finals mamayang ika-11 ng gabi. Mapapanood ito sa opisyal na Twitch at YouTube channel ng Valorant habang ang Filipino broadcast naman ay masusubaybayan sa FacebookYouTube at Twitch channel ng Philippine Pro Gaming League (PPGL).

Para sa Valorant news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.