Kinakaharap ngayon ng Fnatic ang delikadong lower bracket run sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen, matapos makatanggap ng 0-2 na pagkatalo sa kamay ng mga halimaw ng APAC na Paper Rex.

Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng star player na si Nikita “Derke” Sirmitev kumpara sa nung kanyang Copenhagen debut laban sa FunPlus Phoenix, kung saan nanguna siya sa server na may 53 kills sa dalawang maps.

Laban sa PRX, nahirapan si Derke na makuha ang kanyang presence at impact, at nagtapos sa series na may 32/41/5 KDA at hindi kataasang 198 Average Combat Score (ACS).

“I had a bad day and played badly,” sabi niya sa isang post-match press conference. “I didn’t hit my shots.”


Derke tutulungan ang Fnatic na makatawid sa kanilang lower bracket run

Fnatic Derke Masters Copenhagen 2022
Credit: Riot Games

Kilala ang Finnish-Russian star dahil sa malalaking numero na nakukuha niya sa LAN. Sa Valorant Champions noong nakaraang taon, tinanghal siyang pinakamahusay na player sa event na may 278.1 Average Combat Score at 1.37 K/D.

Gayunpaman, hindi niya naipakita ang kanyang karaniwang laro laban sa walang humpay na bilis ng PRX. “I was hitting everything in practice and felt confident,” sabi niya. “But I lost my confidence because they were just pushing everything and hitting everything. I started spraying like I don’t spray usually.”

Naging negative si Derke laban sa karamihan nang mga PRX players sa series pagdating sa head-to-head eliminations, 7-11 siya kay Aaron “mindfreak” Leonhart at 7-10 naman laban kay Jason “f0rsakeN” Susanto.

Dinepensahan naman ng in-game leader na si Jake “Boaster” Howlett ang kanyang teammate. “His bad performance is him not carrying us throughout the whole tournament,” sabi niya. “So I don’t think his performance was even bad.”

“His expectations are so high compared to everyone else that if he doesn’t drop 30 bombs every game, you’re going to say he has a bad performance.”

Iba rin maglaro ang PRX kumpara sa ibang teams sa EMEA region. “They have their set executes, but the great thing about PRX is when that gets canceled, or something wrong happens, they instantly and instinctively react by hunting for those kills,” sabi niya.



“On top of that, PRX excel at playing a very loose style, while still being able to use their agents to their full potential,” dagdag ni Boaster.  

“They know how to kill and I think that’s what makes teams really scary,” sabi niya.

Ang pahayag na yun ang isang magandang paglalarawan sa kung paano maglaro ang PRX. Kahit pa sa defense, tila hindi binibitawan ng PRX ang “W”. Sa Bind, inararo ni Wang “Jinggg” Jing Jie ang Fnatic sa Round 14, kung saan nakuha niya ang opening kill kay Derke sa A Bath bago dumeretso papuntang Heaven.



Nakakuha siya ng apat na kills sa unang 15 segundo ng round, kung saan nahuli niya ang tatlong players hagbang nagro-rotate mula sa defender spawn.

Makakalaban ng Fnatic ang FunPlus Phoenix sa July 22, 11:00 p.m. GMT+8. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Valorant Twitch at YouTube channels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.