Napuno ng sorpresa ang Valorant Champions Tour (VCT) Stage 2 Masters Copenhagen sa group stage pa lang.

Sa Group A, ang EMEA third seed na Guild Esports ang unang koponan na umabante sa playoffs matapos nilang patumbahin ang reigning Masters champion na OpTic Gaming ng NA at KRU Esports ng LATAM. Maagang nalaglag ang Reykjavik Masters finalist na LOUD ng Brazil dahil sa kanilang pagkatalo sa KRU at OpTic.

Nagawa pa ring makausad ng OpTic sa pamamagitan ng 2-0 sweep kontra KRU sa decider.

Masters Reykjavik 2022 Champions OpTic
Credit: Riot Games

Sa Group B naman, pinaluhod ng Korean king DRX ang Northeption ng Japan at FunPlus Phoenix ng EMEA upang maselyo ang kanilang pwesto sa playoffs at ipakita kung bakit sila itinuturing bilang koponan na may pinakamagandag teamplay at coordination sa torneo.

Hindi naging sapat ang heroics ni young star Thanachart “Surf“ Rungapajaratkul para mapanatili ang XERXIA ng SEA laban sa Northeption. Sa decider, nanaig ang FPX laban sa mga bagito ng NTH.


Mga koponang pasok sa Masters Copenhagen playoffs

Credit: Riot Games

Narito ang walong koponan na nakapagselyo ng kanilang spot sa playoffs ng Masters Copenhagen. Apat sa mga ito ay nakatanggap ng direct bye matapos magkampeon sa kani-kanilang regional Challengers tournaments.

Nakatakdang magsagupaan ang mga koponan sa isang double-elimination bracket simula ika-14 ng Hulyo.

KOPONANREHIYON
FnaticEMEA
XSETNorth America
Paper RexAPAC
LeviatánLATAM
Guild EsportsEMEA
DRXKorea
OpTic GamingNorth America
FunPlus PhoenixEMEA

Ang kampeon ng Masters Copenhagen ay mag-uuwi ng US$200,000 (mahigit PHP11 milyon, $1=PHP56) prize money na lion’s share ng US$650,000 (mahigit PHP36 milyon) na prize pool. Makakasunggab din sila ng 1,000 VCT circuit points na mahalaga upang direktang makapasok sa Valorant Champions 2022 na gaganapin sa Istanbul, Turkey sa Setyembre.

Lahat ng walong playoff teams ay siguradong makakakuha ng minimum na US$25,000 (PHP1.4 milyon) at 250 VCT circuit points.

Panoorin ang mga laban sa Masters Copenhagen sa opisyal na Twitch at YouTube channel ng Valorant.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Valorant news, guides at highlights.


Hango ito sa katha ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.