Kinuha ng KRU Esports ang huling pwesto sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen, matapos talunin ang Brazilian team na Ninjas in Pyjamas sa VCT LATAM and Brazil decider.

Ang match ay naganap sa pagitan ng dalawang teams na nasa ikalawang pwesto sa LATAM and Brazil, na magpapasya kung sino ang huling team na ipapadala sa Copenhagen. Ito ang unang pagkakataon para sa KRU na mag-compete bilang isang second-placed team sa LATAM – lagi silang nasa unang seed ng rehiyon mula pa noong Stage 2 Masters Reykjavik noong 2021.

Ang kanilang panalo ay nangangahulugang mananatili ang KRU bilang kaisa-isang team na naka-attend ng lahat nang Valorant international LAN events. Sasamahan sila sa Denmark ng kanilang karibal sa LATAM, ang Leviatán.

KRU Esports ikinasa ang ticket sa kanilang ikalaimang international Valorant LAN

keznit KRU Esports Valorant Champions
Credit: Riot Games

Ang star player na si Angelo “keznit” Mori ang naging bayani ng series matapos manguna sa server na may 75/41/23 KDA sa tatlong maps. Nakakuha rin siya ng 14 first kills, na tinulungan naman ni Juan Pablo “NagZ” Miranda sa kanyang Chamber na may 12 first kills.

Ang duo ang nagbukas ng mga rounds para sa kanilang team sa pamamagitan ng maagang lamang, lalo na sa Fracture, kung saan tinapos ng KRU ang laban sa score na 13-5.

Iba’t ibang agents ang ginamit ni keznit sa bawat map, na nagpalit-palit mula kay Jett sa Breeze, Raze sa Fracture, at KAY/O naman sa Icebox.

Kapansin-pansin ang Icebox composition ng KRU na walang duelist, na sa halip ay umasa sa calculated utility usage at masistemang pick-offs. Kumpara sa dalawang nauna ay mas naging dikit ang map na ito, kung saan nagpalitan ng rounds ang dalawang team nang maraming beses sa ikalawang half, bago tuluyang makakuha ang KRU ng limang sunod-sunod upang kunin ang map 13-10.



Isang quadruple kill mula kay Robrerto Francisco “Mazino” Rivas Bugueño sa Round 20 ang naging hudyat ng pagbaligtad ng game para pumabor sa KRU. Walang kamalay-malay ang mga miyembro ng NIP na nakabantay pa rin siya sa Yellow. Inararo ng Chilean player ang apat na NIP players habang nagtatangka silang itanim ang spike, na ‘di lingid sa kanilang kaalaman ang kapahamakang nakaabang.

Mag-uumpisa ang karera ng KRU sa Copenhagen sa group stage, habang ang Leviatán naman ay rekta na sa playoffs.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.