Kung mare-reincarnate si Wardell bilang isang Valorant agent, walang dudang siya si Chamber. Sobrang kabisado niya na ang agent na parang isda sa tubig, at consistent din siya sa paghanap ng paraan upang magbigay ng pressure gamit ang Operator.

Habang nagi-stream ng isa sa kanyang mga ranked games kasama ang CS:GO superstar na si Jake “Stewie2K” Yip, nakagawa ang dating TSM player ng isang napakalupit na ace.

Habang china-channel ang kanyang inner weapons expert, gumamit siya ng Operator, Phantom, at Headhunter pistol ni Chamber upang itumba ang mga kalaban sa Bind.

Si Wardell ay isang Chamber god

Wardell TSM ace Chamber
Credit: Riot Games

Ang 23-anyos na player ay puspusang umaakyat sa North American leaderboards ng Valorant mula pa noong lumabas ang Episode 5 Act I, kung saan kasalukuyan siyang nasa rank 516 ng Radiant.

Habang dehado ng isang round ang kanyang team sa overtime, umikot si Wardell papuntang B site mula sa defender spawn upang tulungan ang kanyang team na i-retake ang site kung saan nakatanim na ang spike. Armado ng Operator, pinitas niya ang kalabang Skye sa U-Hall, tapos ay pinulot niya ang Phantom upang maulohan ang Raze na nagbabantay sa A Lamps.

Tumalikod naman siya upang patayin ang Chamber na sumusubok na ikutan siya mula sa likod ng site. Pero imbis na i-reload ang kanyang Phantom, muling dinampot ng Op Academy founder ang kanyang Operator upang magpatama ng isa pang clean shot sa Sova na agresibong sumilip sa U-Hall.

Naiwan sa isang 1v1 situation kung saan isang bala na lang ang natitira sa kanyang Headhunter pistol, na-clutch ni Wardell ang round sa isang napakaastig na paraan nang maitumba niya ang huling natitirang miyembro ng kalabang team sa labas ng A Bath.



Sa tulong ni Stewie2K, nanalo ang kanilang team sa map 15-13 sa ikalawang overtime, kung saan nanguna si Wardell sa scoreboard na may 39/19/3 na KDA.

Naghiwalay ng landas si Wardell at ang TSM noong March bago lumaban ang team sa VCT NA Stage 2. Sandali siyang sumali sa Version1 bilang isang stand-in noong VCT NA Stage 2 open qualifier, ngunit nabigo ang team na makapasok sa group stage.

Mula noon, nag-focus na siya sa kanyang stream, kung saan madalas niyang kasama si Stewie2K.

Siguradong gugustuhing makita ng mga fans na mag-team up ang dalawa at mag-compete sa Valorant, ngunit hindi pa malinaw kung lilipat nga si Stewie2K sa shooter ng Riot, o kung nais ba ni Wardell na bumalik sa pro play.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.