Mukhang patuloy ang pag-develop sa Valorant Mobile.

Ito’y matapos maglista kamakailan ng ilang bagong jop openings ang Riot Games para sa mobile version ng sikat na tactical first-person shooter nito na Valorant.

Noong nakaraang Hunyo 2021 sa isang interview kasama ang Polygon, kinumpirma ni Valorant executive producer Anna Donlon na dadalhin ng Riot ang FPS sa mobile devices.

Hindi ito ang unang beses na magkakaroon ng FPS game sa ating smartphones sapagkat nauna nang lumabas ang mobile versions ng Call of Duty, PUBG at Fortnite, at may sariling community na rin ang mga ito.

Sasamahan ng Valorant Mobile ang iba pang mobile titles ng Riot na League of Legeds: Wild Rift at Teamfight Tactics, at siguradong makakaakit ito ng panibagong player base.

Inihayag ni Donlon na ang release date ng Valorant Mobile ay “hopefully” sa 2022 kaya maaaring malaro na natin si Jett sa ating mga phone sa lalong madaling panahon.


Ano ang focus ng Riot Games para sa Valorant Mobile?

Narito ang listahan ng job openings, na hinati ng Riot sa Los Angeles at Bellevue offices nito sa United States:

  • Researcher II
  • Senior Game Designer
  • Senior Product Manager
  • Senior Software Engineer, Mobile Generalist
  • Senior Software Engineer, Mobile Performance
  • Senior UX Designer
  • Staff Software Engineer, Mobile Performance
Posibleng UI ng Valorant Mobile
Isang mock-up ng pwedeng maging istura ng Valorant Mobile. Credit: @BluewolfCodm

Ilan sa mga job description ay nagbigay ng clues sa priorities ng Riot Games para sa Valorant Mobile. Noong Hunyo, sinabi ni Donlon na ang pinakaimportanteng bagay para sa kanilang team ay masiguro na hindi sila maglabas ng “comprised” version ng Valorant para sa mga mobile player.

Bilang panimula, responsable ang Software Engineer sa “reducing battery usage and thermal output” na parehong mahalaga sa pagpapahaba at pagpapagaan ng paglalaro sa mobile devices.

Para naman maging akma ang laro sa mas malawak na klase ng devices, nakaatas din sila sa pagpabababa ng “application memory usage” na swak para sa entry-level phones na hindi kataasan ang RAM.

Target din ng Valorant Mobile na mapanatili ang competitive aspect ng PC counterpart nito. Babantayan ng Senior Game Designer ang pag-design at pag-refine sa mga “systems that delight and satisfy players’ needs for competition” na maaaring tumutukoy sa ranked play.

Credit: Riot Games

Ayon naman sa description para sa Senior Product Manager, maaari ring magkaroon ng “in-game economy” system kung saan pwede makabili ng cosmetic skins tulad sa PC version.

Bukod diyan, maaari ring magpatupad ng anti-cheat system ang Valorant Mobile. Tinalakay ng isang hiwalay na listing para sa Senior Software Engineer, Mobile Anti-Cheat, ang pag-develop sa “next generation of defense” para sa mobile titles ng Riot.

At importante sa lahat, gusto ng Riot na gumawa ng “unique-to-mobile experience” gaya ng sinabi ni Donlon sa Polygon noong nakaraang taon. Nagbubuhos sila ng resources sa mobile-first UX design para ihulma ang isang laro na may intuitive control schemes at UX flows. Dagdag mo pa rito ang isang data-based approach pagdating sa development ng laro.


Ito’y salin ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.