Huling linggo na ng VCT EMEA Stage 2 Challengers group stage. Ang ibang mga teams ay nakahanap ng tagumpay matapos magpalit ng roster, habang ang iba naman ay hindi inaasahang nalugmok at hindi nakapasok sa playoffs.
Maganda ang naging resulta ng roster revamp ng Fnatic matapos ang Masters Reykjavik 2022, kung saan nakakuha ang European squad ng solidong 4-0 sa group stage. Ang Turkish na baguhang si Emir “Alfajer” Beder ay sumikat bilang isa sa mga pinakamahuhusay na players sa EMEA region. Ang 16-anyos ang kasalukuyang may pinakamataas na Average Combat Score (ACS) sa tournament na 278.6, ayon sa vlr.gg.
Kasama sa mga bumubuo ng mga qualified teams sa playoffs mula sa Group A ay ang FunPlus Phoenix at Acend, na parehong may 3-1 record. Ang dalawang bagong players ng Acend, na sina Vakaris “vakk” Bebravičius at Ondřej “MONSTEERR” Petrů, ay nakatulong na muling pasiglahin ang squad na nanalo sa Valorant Champions 2021 sa pamamagitan ng mga fresh ideas at new blood.
Sa Group B naman, top seed ang Guild Esports na may perfect 4-0 record. Sinusundan sila ng Team Liquid na nasiguro ang ikalawang spot sa playoffs na may 3-1 record.
Ang ikatlong playoffs spot sa Group B ay pinag-aagawan pa rin ng M3 Champions (dating Gambiot Esports) at BIG. Ang M3C ay kasalukuyang may 2-2 record at nakatakdang harapin ang Team Liquid sa huling linggo ng group stage.
Upang maiwasang ang posibleng tiebreaker laban sa BIG at siguruhin ang huling spot sa kanilang group, kinakailangan ng Masters Berlin 2021 champions na ipanalo ang kanilang match laban sa Team Liquid.
Kumpletong listahan ng mga teams na qualified para sa VCT EMEA Stage 2 Challengers playoffs

| STANDING | TEAM | GROUP | MATCH RECORD (W-L) | MAP RECORD (W-L) | ROUND DIFFERENTIAL |
| 1st | Fnatic | A | 4 — 0 | 109 — 53 | +56 |
| 2nd | FunPlus Phoenix | A | 3 — 1 | 104 — 71 | +33 |
| 3rd | Acend | A | 3 — 1 | 101 — 109 | -8 |
| 1st | Guild Esports | B | 4 — 0 | 122 — 86 | +36 |
| 2nd | Team Liquid | B | 3 — 1 | 115 — 105 | +10 |
| 3rd | TBD | B | — | — | — |
Narito ang anim na qualified teams na nakakuha ng spot sa VCT EMEA Stage 2 Challengers playoffs, na nakatakdang magsimula sa June 17. Ang top three teams sa playoffs ay makakapasok sa VCT Stage 2 Master Copenhagen sa July.
Sa playoffs, maglalaban-laban ang anim na qualified teams sa isang double-elimination bracket. Ang top seeds sa bawat group ay makakatanggap ng bye papunta sa ikalawang round ng upper bracket.
Ang lahat nang matches ay paglalabanan sa best-of-three series, maliban sa lower final at grand final, na magiging best-of-five.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.