Medyo tricky i-defend ang Bind, lalo na kung mahusay mag-coordinate ng agent abilities ang mga attackers para makuha ang isang site. Kayang-kayang lumusob ng mga duelist tulad nina Jett o Raze papalabas ng Hookah papunta sa site para kuyugin ang mga defenders.

Makakatulong ang Viper one-way smoke na ito na barahan ang mga agresibong plays at i-lockdown ang B site sa Bind sa pamamagitan ng pagpapabagal ng mga nagbibilisang Hookah pushes.

Ang susi sa panalo ay ang pagpili ng agent na kayang dumepensa sa mga sites. Sa kabila ng mabibigat na nerfs na natanggap ni Viper sa Valorant patch 4.04, malakas pa rin ang hybrid controller sentinel at kaya pa ring dumepensa sa mga choke points.


Ano ang one-way smoke sa Valorant?

Isa sa mga trabaho ng mga controller agents sa Valorant ay ma-control ang isang area sa pamamagitan ng pagbulag o pagtanggal ng vision ng mga kalaban. Ang mga agents na ito ay may kakayahang maglagay ng one-way smokes, na pumuputol sa sightlines ng mga kalaban ngunit makakaya pa rin ng team nila na mahanap ang mga targets sa pagsilip gilid o hangganan ng smoke.

Magagawa ito sa pamamagitan ng eksaktong smoke placement sa ilang parte ng map na mabisang pampigil sa mga push ng kalaban.


Viper one-way smoke na pipigil sa mga attackers na papasok sa Hookah

Importante na ma-control ang Hookah sa Bind para sa mga attackers at defenders. Madalas gamitin ng mga attackers ang Boom Bot ni Raze upang ma-clear ang Hookah bago sila pumasok. Pwede rin nilang gamitin ang Paranoia flash ni Omen o kahit ang Fault Line stun ni Breach upang pwersahin ang mga kalaban papalayo sa area o makatulong sa kanilang itumba ang sinumang defender na masyadong malapit.

Kung agresibo sa pag-push ng Hookah ang iyong mga kalaban, maaari mong gamitin ang Viper one-way smoke na ‘to upang pigilan sila sa pagpasok sa area, imbis na maghintay ka lang sa loob ng Hookah at labanan sila nang sabayan.

Sa simula ng Buy Phase, magpunta sa Hookah at i-equip ang Toxic Screen ni Viper habang nakatayo sa ibabaw ng red rug. Sunod ay tumutok sa ibaba ng diamond-shaped pattern.

Humarap sa wall na katapat ng teleporter at itapat ang agent ability HUD ni Viper sa ibabaw ng wooden box sa Hookah. I-left-click upang ibagsak ang wall.

Meron ka nang one-way smoke sa Hookah na magagamit ni Viper pag in-activate niya ang kanyang wall. Malinaw mong makikita ang mga kalaban na papasok sa Hookah pag tumayo ka sa ibabaw ng blue metal tube sa B site.

Bukod pa dito, isa pang magandang magagawa ng Viper one-way smoke na ‘to ay mako-cover din nito ang A short para sa iyong mga teammates sa A site.

Upang maging mas mabisa ang Toxic Screen ni Viper, siguraduhin na makipag-communicate sa mga teammate na nasa B site. Maganda rin na ma-hold nila ang B Long at B Garden dahil sinumang nakatayo sa metal tube ay siguradong exposed kung manggagaling ang push mula sa Long.

Kapag paubos na ang fuel ni Viper, pwede siyang magbagsak ng Snake Bite molly para mapigilan ang mga attackers na papasok sa Hookah. Mag-ingat lang sa Tailwind dash ni Jett at Blast poacks ni Raze, dahil ang mgha ito ay pwedeng gaitin nang malapitan.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.