Talagang hyped up na ang mga Hunter x Hunter anime fans sa paparating na Nen x Impact fighting game na kasalukuyang in development ngayon.
Habang wala masiyadong impormasyon tungkol sa laro, alam namin na ang unang anim na Nen x Impact characters ay magiging parte ng roster ng Hunter x Hunter fighting game.

KUNIN ITO: Killua Zoldyck Funko Pop! Figure |
Inilathala ng Bushiroad Games at dinevelop ng Eighting, ang paparating na fighting game na ito ay sumisikat na dahil sa bagong trailer nito, kung saan makikita natin sina Gon Freecss, Killua Zoldyck, Isaac Netero, Kurapika, Leorio, at Hisoka.
- Sino ang may pinakamalaking bounty sa One Piece universe?
- Sino ang pinakamahinang Hashira sa Demon Slayer?
Nen x Impact characters sa Hunter x Hunter fighting game

Sa unang trailer ng Nen x Impact na nilabas noong Enero 6, nakita natin ang combat dynamics nina Gon, Leorio, at Netro laban sina Killua, Kurapika, at Hisoka. Kinumpirma ng trailer na susundan nito ang 3v3 fighting format, tulad ng Marvel versus Capcom 3, isa pang sikat na fighting game na dinevelop ng Eighting at Capcom.

KUNIN ITO: Hisoka Funko Pop! Figure |
Sa isang 3v3 fighting game, makikita sa screen ang isa sa tatlong piniling characters ng mga players sa laro. Maari silang makipagpalitan ng mga characters o tawagin ang dalawa para sa isang special assist movie. Simple lang ang layunin ng laro – ang character na maiiwan ang panalo.
Para sa mga Hunter x Hunter fans, ang potensyal na character roster ng laro ay talagang nakaka-intriga. Posible makita sina Chrollo Lucifer at Phantom Troupe. Ang Zoldyck family, kilala bilang pinakamarahas na mga assassins sa serye, ay maaring makita rin sa laro.

KUNIN ITO: Kurapika Funko Pop! Figure |
Ang Chimera Ants, na pinangungunahan ng makapangyarihang Ant King Meruem, ay maghahatid din ng isa pang exciting gameplay. Ang Royal Guards – Neferpitou, Shaiapouf, at Menthuthuyoupi – ay maaring maging matinding pagsubok sa laro.
Dahil sa kaniyang iba’t-ibang selection, nakakaakit ang Nen x Impact sa fighting game at anime fans, para maghatid ng kakaibang experience.
Panoorin ang trailer dito.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Hunter x Hunter.
BASAHIN: Hunter x Hunter manga magbabalik matapos ang isang taong hiatus