Ang Oblivion Battery, na kilala rin bilang Boukyaku Battery, ay isang shonen manga series na binibida ng isang grupo ng Japanese high school baseball players.
Sinulat at isinalarawan ni Eko Mikawa, ang Oblivion Battery manga ay inilathala ng Shueisha simula noong Abril 2018, at mayroon na itong 17 volumes.
Umiikot ang serye kay Haruka Kiyomine, isang mahusay na pitcher, at Kei Kaname, isang magaling na catcher na kilala bilang the General. Pag nagsama, binuo nila ang isang bigating baseball battery.
Ano ang kwento ng Oblivion Battery?
Noong sila pa ay nasa senior league, sobrang husay nina Kiyomine at Kaname sa baseball.
Ngunit matapos mawalan ng alaala ni Kaname, nag-enroll ang dalawa sa Kotesashi High School, isang public school. Dito nakasalumuha nila ang mga dati nilang karibal.
- Demon Slayer season 4 release date inanunsyo na, kasama ang bagong trailer at opening song
- One Piece 1112 na-delay, naka-break ang manga series hanggang sa petsang ito
Saan pwedeng basahin ang Oblivion Battery manga
Kasalukuyang nagpapatuloy ang manga, at mayroon na itong 147 chapters sa loob ng 17 volumes.
Pumunta sa Shonen Jump Plus website at basahin ang lahat ng kabanata ng Japanese manga nang libre.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa paborito mong anime.
BASAHIN: Lahat ng Solo Leveling episodes at saan ito pwede panoorin