Naghatid ang Call of Duty Modern Warfare 2 at Warzone Season 5 ng bagong assault rifle, ang FR Avancer.
Matapos ang launch ng bagong season, ibinahagi ng CoD guru na si Hero ang kanyang pinakamabisang FR Avancer loadout, na pwede mong gayahin para manalo sa mga matches mo.
- Paano ma-unlock ang bagong M13C assault rifle sa Modern Warfare 2 at Warzone 2
- Paano ma-unlock ang bagong Carrack .300 sniper sa Modern Warfare 2 at Warzone 2
Malupit na FR Avancer loadout ni Hero sa Modern Warfare 2

Giit ni Hero na ang loadout na ‘to ay kayang makatunaw sa short hanggang medium range, salamat sa kaniyang mababang recoil at optimized tuning.
Sinimulan niya ang kaniyang setup sa FTAC Castle Comp sa muzzle slot. Napapababa ng attachment na ‘to ang recoil ng rifle para sa precise shooting.
Pinili naman niya ang FSS OLE-V Laser para mapaganda ang ADS speed, aiming stability, at sprint-to-fire speed.
Para naman sa underbarrel, pinili ni Hero ang Edge-47 Grip. Napapaganda nito ang recoil stability para manatili sa target ang iyong mga shots tuwing bumabaril nang sunod-sunod.
Sinundan niya ito ng SA ION sa rear grip slot para mas matulis ang recoil control.
Kinumpleto niya ang kaniyang FR Avancer loadout gamit ang 45 Round Mag. Dinodoble nito ang ammo count habang pinapababa ang impact sa movement, ADS, sprint-to-fire, at reloading speed.
FR Avancer loadout attachments at tuning ni Hero
| SLOT | ATTACHMENT | TUNING (VERTICAL, HORIZONTAL) |
| Muzzle | FTAC Castle Comp | +0.44, +0.15 |
| Laser | FSS OLE-V Laser | -0.31, -21.39 |
| Underbarrel | Edge-47 Grip | +0.59, +0.15 |
| Rear Grip | SA ION | -0.48, -0.12 |
| Magazine | 45 Round Mag | N/A |
Maaari mong ma-unlock ang FR Avancer agad sa pamamagitan ng pag-upgrade ng iyong BlackCell Battle Pass.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.
BASAHIN: Modern Warfare 2 Season 5 BlackCell Battle Pass presyo, rewards, at iba pa