Isa sa mga top teams ng The International 2023 ay maghahatid ng malalaking pagbabago sa kanilang Dota 2 roster – ang Azure Ray.

Ang Azure Ray, na nanalo sa fourth place sa TI12 sa kabila ng kanilang bagong roster, ay magpapaalam na sa tatlo sa kanilang mga legendary players. Sina Lu “Somnus” Yao, Yang “Chalice” Shenyi, at Xu “fy” Linsen – mga dating teammates sa LGD – ay umalis na, anunsyo ng Chinese organization.

Kaya naman si Guo “Xm” Hongcheng na ang bagong midlaner, si Lin “Xxs” Jing bilang offlaner, at Zhao “XinQ” Zixing naman ang soft support. Sina XinQ at Xm ay parehas na parte ng Xtreme Gaming – at ang founder nito at ng Azure Ray ay iisa lamang – habang sumali naman si Xxs matapos ang kaniyang five-year stint kasama ang Team Aster.

Kusang loob na sumali si Xm kahit walang sweldo, ayon sa opisyal na anunsyo ng AR – kasabay ng paalis na trio, na naglaro para sa kanila ng walang sweldo.



Azure Ray Dota 2 roster 

Dota 2 Azure Ray
Credit: Valve
  • Lou “Lou” Zhen
  • Guo “Xm” Hongcheng
  • Lin “Xxs” Jing
  • Zhao “XinQ” Zixing
  • Jiang “天命” An

Ang Chinese organization ang isa sa apat na teams na direktang inimbita sa ESL One Kuala Lumpur, kasama ang Gaimin Gladiators, LGD Gaming, at Team Spirit – ang top four teams sa TI12. 

Ang AR, na anim na buwan pa lamang, ay kinumbinse sina Somnus at Chalice paalis ng kanilang unofficial retirement, matapos silang maging lone players sa loob ng anim na buwan.

Tinapos ng roster ang Bali Major sa top eight sa kanilang unang LAN showing.

Pagkatapos, nalampasan nila ang expectations ng lahat matapos magtapos sa fourth place sa TI12.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: Shopify Rebellion nag-rebuild, magsasalang ng preskong Dota 2 roster