May mga pagbabago sa Dota 2 roster ng Entity matapos ang The International 2023.

Si Daniel “Stormstormer” Schoetzau, na nanaig bilang isa sa best midlaners ng Europe sa kaniyang dalawang taon kasama ang Entity, ay nalipat sa kanilang inactive roster, anunsyo ng Entity.

Sinabi ng midlaner sa kaniyang personal Twitter account na maghahanap siya ng bagong team bilang midlaner, at ang kaniyang “dedication to this game and being a good teammate is just like before.”

Sumikat si Stormstormer bilang isang premier Invoker player, at pati na rin sa kaniyang paglaro sa mga high-skill casters tulad nina Puck at Lina.



Walang midlaner ang Entity dahil sa pagkawala ni Stormstormer 

Dota 2 Entity Stormstormer
Credit: Valve
  • Alimzhan “watson” Islambekov 
  • Kim “Gabbi” Santos 
  • Vladislav “Kataomi`” Semenov 
  • Dzmitry “Fishman” Palishchuk 

Nataguyod ng Entity ang kanilang sarili bilang isa sa mga top teams sa isang kompetetib na rehiyon, at ilang beses na rin sila naging representatib ng Western Europe para sa Majors.  

Lumahok ang team sa dalawang The Internationals kasama si Stormstormer, at tinapos nila ang mga ito sa joint-ninth place.  

Ang Entity, na kinailangan lumahok sa Regional Qualifier para makasali sa TI12, ay sinimulan ang group stage ng may 4-4 record, ngunit natumba sa Azure Ray sa seeding match para makapasok sa playoffs sa lower bracket. Tinapos nila ang kanilang campaign bilang top 12 team.  

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2. 

BASAHIN: Nine nagpaalam na sa Tundra Esports para mag ‘extended break’ sa competitive Dota