Magpapaalam na ang isang The International champion.

Si Leon “Nine” Kirilin, dating Tundra Esports midlaner at support, ay magpapaalam na sa Tundra Esports matapos ang The International 2023, dahil sa “traveling and stress of playing.”

Kinumpirma ito ng Western European organization, at tinawag ang oras ng 25-year-old sa Tundra bilang “nothing short of legendary.”

Lumahok sa TI12 ang Tundra Esports bilang defending champions at sinimulan ang tournament ng may mahusay na 8-0 sa group stage.

Ngunit hindi nila napanatili ang kanilang momentum sa seeding decider, at ntalo sa nouns para mapunta sa lower bracket kasama ang Entity. At dahil sa isa pang 2-0 na talo, tinapos ng Tundra ang kompetisyon sa bottom half.



Nine nagpaalam na, Tundra Esports Dota 2 roster wala na namang support 

Dota 2 Tundra Esports Nine TI11
Credit: Valve
  • Oliver “skiter” Lepko 
  • Topias “Topson” Taavitsainen 
  • Neta “33” Shapira 
  • Jingjun “Sneyking” Wu 
  • Kurtis “Aui_2000” Ling (coach) 

Si Nine, na nanalo sa TI11 kasama ang Tundra bilang midlaner ng team ay nakapagtayo ng pangalan bilang mahusay na player sa off-meta hero pool, at nakaraan lamang ay na-deputized sa position four sa TI12 matapos ang extended break ni Martin “Saksa” Sazdov.

Kinumpirma ni Nine sa kaniyang social media na mag-papahinga muna siya sa competitive Dota, at tinawag niya ang kaniyang dalawang taon bilang “the most stressful” na panahon ng kaniyang buhay.

“It’s time to chill a bit and live life just the way I want to,” sabi ng player. “I will come back eventually when I feel ready, if that is what I want.”

Ang Tundra, ngayo’y nawalan na ng dalawang players sa kanilang TI11-winning roster – ay papasok sa bagong season ng walang position four support maghahanap sila muli ng players para kumpletuhin ang kanilang roster bago ang ESL One Kuala Lumpur sa Desyembre sa susunod na taon.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippine sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2.  

BASAHIN: Talon Esports nagpaalam sa kanilang Dota 2 roster