Bago ang magiging hitsura ng Dota 2 roster ng Shopify Rebellion para sa 2024 makaraang kumalas ang tatlong key players mula sa kanilang lineup.

Sina Erin Jasper “Yopaj” Ferrer, Thiago “Thiolicor” Cordeiro, at Kartik “Kitrak” Rathi ang pinakahuling adisyon sa pangkat, anunsyo ng organisasyon kamakailan.

Patuloy ang NA team na magdagdag ng mga bagong piyesa sa kanilang lineup, at wala ni isa sa mga players na ito ang nakalahok na sa Americas region sa nakalipas na season.

Galing si Yopaj sa Pilipinas, si Thiolicor naman ay mula Brazil, at si Kitrak naman ang pinakaunang U.S. player na lalahok sa pangkat.



Shopify Rebellion Dota 2 roster

Bagong Dota 2 roster ng Shopify Rebellion ngayong 2023
Credit: Shopify Rebellion
  • Artour “Arteezy” Babaev
  • Erin Jasper “Yopaj” Ferrer
  • Jonáš “SabeRLight-” Volek
  • Thiago “Thiolicor” Cordeiro
  • Kartik “Kitrak” Rathi
  • Kanishka “BuLba” Sosale (coach)

Lalahok sa grupo si Yopaj na isa sa pinakamagilas na midlaners sa Southeast Asia sa mga huling taon, bagamat hindi maganda ang kinalabasan ng huli niyang salang kasama ang BOOM Esports. Kapos ang team niya noon na makalahok sa Majors, pati na rin sa TI12.

Credit: Galaxy Racer

Si thiolicor naman, na patalun-talon sa iba’t-ibang South American squad sa mga nakalipas na taon ay lumipat sa Europa noong March para bumandera para sa D2 Hustlers na kinuha ng Luna Galaxy. 

Sorpresa para sa marami ang kampanya nila sa TI12 qualifiers kung saan nagtapos sila sa third place sa likod nang mga kalaunan ay nakalahok na teams sa TI na Entity at Quest Esports.

Samantala, hindi naging aktibo sa pro play si Kitrak simula 2019 hanggang 2022, ngunit nagbalik sa pro eksena bilang coach para sa T1 noong TI11 qualifiers. Ginawa niyo ito bago bumandera para sa Old G na binuo ng former OG players na sina Sébastien “Ceb” Debs and Topias “Topson” Taavitsainen.

 Kalaunan ay sila rin ang bumandera bilang main players sa OG roster sa loob ng tatlong-buwan, kung saan ipinakita niya ang husay niyang maglaro bilang position five player.

Gayunpaman, patuloy na aabangan ang kayang gawin ng roster na ito sa mga susunod pang buwan pagkatapos mabitin sa ESL One Kuala Lumpur Qualifiers.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: nouns nag-disband matapos ang top eight finish sa The International 2023