Bumawi sina Pinoy star midlaner Erin Jasper “Yopaj” Ferrer at BOOM Esports sa PGL Arlington Major Group Stage Day 3 matapos ang maalat na resulta sa nakaraang araw.

Sinimulan ng kasalukuyang hari ng Southeast Asia ang Day 3 sa pamamagitan ng 2-0 panalo laban sa legendery Eastern European squad na Natus Vincere kung saan nagpasiklab si Yopaj sa kanyang Spirit heroes.

Pagkatapos paandarin ang dominasyon ng BOOM gamit ang Storm Spirit sa unang laro, bumida naman ang 20-year-old stalwart sa kanyang signature Ember Spirit sa dikdikang Game 2 na sinelyo niya sa pamamagitan ng isang malupit na rampage.


Yopaj tinuldukan ng rampage ang 2-0 panalo ng BOOM kontra Na’Vi

Yopaj
Credit: ESL

Nakuha lang ng BOOM ang kalamangan sa bandang 36 minuto ng Game 2 nang mahuli ni Timothy “TIMS” Randrup sa Tiny gamit ang swabeng Force Staff-Toss back play ang walang buyback na Nature’s Prophet ni Alik “V-Tune” Vorobey. Binigyang-daan nito ang pagsiguro nila ng Roshan kill at map control.

Subalit napatagal ng Na’Vi ang laro dala ng split-pushing ni V-Tune at ilang misplays ng BOOM kaya umabot ng isang oras ang bakbakan. Naganap pa ang ilang team fight at nagkaubusan ng buybacks ang dalawang panig pero nanaig sina Yopaj at kanyang tropahan sa nakakakabang last clash sa Dire bot lane.

Nagpokus sina Yopaj at Souliya “JaCkky” Khoomphetsavong (Monkey King) kay V-Tune na muntik pang maka-survive dahil sa Shallow Grave at Satanic. Pero sumunod na rin ang ibang miyembro ng BOOM sa pag-atake sa kanya at dahil low HP na rin ang tatlo sa Na’Vi, isang Sleight of Fist lang ay nabura sila ni Yopaj bago niya puksain si Volodomyr “No[o]ne” Minenko para ilista ang rampage.



Tumikada si Yopaj ng 14 kills at 20 assists kontra 4 deaths at nagpakawala ng 62.1K hero damage habang ang Pinoy support duo naman na sila TIMS at kapitan Andrei “skem” Ong (Viper) ay nagtala ng tig-28 assists.

Sunod na hinarap ng BOOM ang The International 10 champion na Team Spirit at nauwi sa 1-1 draw ang kanilang serye. Mula sa dalawang talo sa Day 2, nakabalik sa top 4 ng Group B ang “Kings of SEA” na may 6-6 record sa pagtatapos ng Day 3.


Fnatic naka-bounce back din, Talon bumagsak sa Day 3

Credit: Fnatic

Naipako naman nila Djardel “Dj” Mampusti at Fnatic na may tatlong TSM FTX stand-ins ang kanilang unang panalo sa Arlington Major matapos nilang walisin ang Team Liquid. Bago nito ay tumabla muna sila sa Thunder Predator kaya mayroon silang 6-6 record ngayon, tabla sa No. 3 kasama ang Outsiders sa Group A.

Samantala, ‘di naman na-sustain ng Talon ang kanilang momentum mula sa Day 2 kaya muli silang bumagsak sa ilalim ng Group A hawak ang 3-7 kartada. Mabilis silang na-sweep nila stand-in carry Anathan “ana” Pham at Royal Never Give Up sa kanilang serye kung saan gumamit pa ang Chinese champs ng last pick offlane Anti-Mage sa kamay ni Yang “Chalice” Shenyi.



Standings pagkatapos ng Arlington Major Group Stage Day 3

Group A

KOPONANRECORD
PSG.LGD9-1
Royal Never Give Up7-5
Outsiders6-4
Fnatic6-6
OG5-5
Team Liquid4-6
Thunder Awaken4-6
Soniqs4-8
Talon Esports3-7

Group B

KOPONANRECORD
Team Aster9-3
Entity7-5
Team Spirit7-5
BOOM Esports6-6
Evil Geniuses6-6
Na’Vi5-7
beastcoast5-7
Tundra Esports3-9

I-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga update patungkol sa PGL Arlington Major 2022.


BASAHIN: Panoorin kung paano sinayawan ng Puck ni Mikoto ang Soniqs sa Arlington Major 2022